Sa mga hindi pa nakakaalam at nakakakilala sa mister ng aktres na si Ai-Ai Delas Alas ay isa itong badminton player simula ng nasa De La Salle University pa ito bago magkakilala ang dalawa at hanggang sa kasalukuyan, dahil sa mahusay ito sa larong badminton ay madalas itong isinasabak sa mga paligsahan, tulad ngayon kaya siya nasa Amerika ay dahil sa badminton tournament. At dahil rito malayo ngayon sa isat-isa si Ai-Ai at Gerald, ngunit hindi ito naging hadlang parang hindi maiparamdam ni Gerald ang kaniyang pagmamahal sa kanyang Misis.

Nitong Monthsary nga nila ay pinadalhan ni Gerald ng mga bulaklak ang asawa na talagang pinag-effortan niya kahit na malayo siya. Kaya naman hindi talaga napigilan ni Ai-Ai na maiyak sa ginawang surpresa ng kaniyang Mister, at dahil sobrang tagal na nilang hindi nagkikita at nagkakasama ay miss na miss na niya raw ito.
Ito ang mga naging pahayag ni Ai-Ai.

“Crayola Akiz Bakla, pero na surprise ako, grabe hindi mo nakakalimutan bigyan ako ng flowers my darling tuwing Monthsary natin.”
“Salamat asawa ko, Happy Monthsary. And kanina nagpasalamat ako kay Lord, bukod sa wala tayong covid binigay ka niya sakin. Sana wag kang mag bago hanggang expiration ko.”
“Thank you darl miss na miss na kita. Nasaan si darl ba?, Nasa US si darl, nag tournament sa badminton. Ingat ka parati diyan darl, first time namin magkahiwalay ng medyo matagal.”

Halatang mahal na mahal ng mag-asawa ang isa’t-isa at may maganda at masaya itong pagsasama, hindi naging hadlang ang malaking agwat sa kanilang mga edad ang kanilang pagsasama. Tila pinatunayan nga nilang “age doesn’t matter”.

Sa kasalukuyan ay nasa 56 years old na si Ai-Ai at halos nasa 3 dekada ang agwat ng kanilang edad. At ikinasal sila sa Christ the King Church noong December 2017. At dahil sa edad ni Ai-Ai ay mahihirapan na rin daw na magkaroon sila ng anak pero tanggap nila iyon at pinaplano daw nilang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF.
Comments
Loading…