in

Kinaantigan Ang Batang Lalaking Nakatayo Sa Labas Ng Isang Bahay Na Nakikinood Ng Telebisyon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kadalasan sa mga kabataan ngayon ang tanging libangan ay ang manood ng mga palabas sa telebisyon. Ngunit dahil na rin sa kakapusan sa buhay hindi lahat ng mga bata ay nakakaranas na makapanood ng mga nakakaaliw na palabas sa telebisyon. Dahil hindi naman lahat ay may kakayanang magkaroon ng sariling telebisyon.

Lalo na kung paboritong cartoons ang mga palabas ay talagang kinaaaliwan ng mga bata. Kung minsan pa ay inaabangan nila ang oras kung kailan ito ipapalabas dahil isa ito sa nagbibigay sa kanila ng kasiyahan.

Source: Angel Foncesca

Kaya naman ganito na lamang umantig sa mga netizens ang isang larawan ng isang batang matiyagang nakatayo sa labas ng isang bahay habang ito ay nakikinood ng telebisyon. Makikitang cartoons ang pinapanood ng batang ito at tahimik lamang siyang nakikinood. Marahil ang batang ito ay kapos sa buhay at walang kakayahan ang kanyang mga magulang na magkaroon ng sariling telebisyon kaya nakikinood na lamang ito sa kanilang kapitbahay.

Source: Angel Foncesca

Ang larawan ng batang ito ay ibinahagi ng kinilalang netizen na si Angel Foncesca na taga Las Choapas, Mexico. Ibinabahagi ito ni Angel dahil naantig siya sa bata na kahit nakatayo lamang ito ay matiyaga pa rin siyang nanonood. Dahil sa ibinahaging larawan ni Angel, maraming netizens ang naantig sa naging kalagayan ng bata. Marami ang nagpadala kay Angel ng mga mensahe patungkol sa batang lalaking ito.

Sa larawang ito ng bata, simple lamang ang kanyang nais iyon ay ang ma-enjoy niya ang makapanood ng kanyang mga paboritong palabas. Sa mura niyang edad, ito talaga ang isa sa mga bagay na pinagdadaanan ng isang bata. Dala na rin ng kanilang kabataan hindi ito mawawaglit sa kanila dahil sa paglipas ng panahon, sila ay tatanda rin at hindi na muli nilang mararanasan ang simpleng saya na dulot ng ganitong karanasan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sharon Cuneta, Masayang Na Ibinahagi Ang Kanyang Matagumpay Na Pagpapapayat

Isang Estudyante Na Hindi Nagawang Matapos Ang Board Exam, Nakakamanghang Naging Top 1 Board Passer