in

Isang Estudyante Na Hindi Nagawang Matapos Ang Board Exam, Nakakamanghang Naging Top 1 Board Passer

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang maging top 1 sa board exam ay isa sa mga mahirap na pinagdadaanan ng isang mag-aaral. Ngunit, gaano nga ba ka-possible na maging topnotcher sa board exam kung hindi naman natapos ang pagsusulit?

Lahat ng mga mag-aaral na nagtatapos sa kolehiyo ay kumukuha ng board exam upang sila ay maging karapat-dapat sa lisensyang nais nilang makamit. Ito ang tanging patunay na ganap ng propesyonal sa mga napiling larangan. Kaya naman ganun na lang katindi kung magsunog ng kilay ang mga mag-aaral na nagte-take ng board exam. Marami sa kanila ay nagbubunga naman ang paghihirap dahil sa ginawang puspusang pag-aaral at pagdarasal, ngunit marami din ang hindi pinalad na makapasa.

Source: Brylee Gilbuena

Kaya ito na lamang ang nakakamanghang pinatunayan ng isang binata na mula sa Cebu na si Brylle Gilbuena, 22-taong gulang na labis ring nagulat at naglulundag sa natuwa nang malaman niya ang naging bunga ng kanyang lahat ng pagsisikap. At ang lahat ng kumukuha ng pagsusulit ay may kanya-kanyang kwento mayroon ditong kinulang sa review o na-mental block o hindi naman kaya ay kinapos sa oras kaya’t hindi nasagutan ang ibang katanungan.

Pero hindi ganito ang nangyari kay Brylle dahil kahit kinapos daw siya sa oras para matapos ang buong pagsusulit ay nagawa pa rin nyang makapasa at ang nakakamangha pa rito ay naging top 1. Siya lang naman ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa Mechanical Engineering board exam na may average grade na 88.10% sa University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM). Sa 1,904 na kumuha ng pagsusulit, 1,083 lamang ang nakapasa, kung saan si Brylle ang naging topnotcher kahit pa hindi nya nasagutan lahat ng katanungan sa nasabing exam.

Source: Brylee Gilbuena

Ayon pa kay Brylle, labis daw siyang nahirapan magsagot sa subjects na Mathematics at Science. Aniya pa, “For five hours, I was not able to answer all 100 questions.” Siya na ang pangatlong naging topnotcher ng kanilang unibersidad.

Lalo namang naging kahanga-hanga ang kwento ni Brylle dahil noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang ay wala siyang anumang academic honors na natanggap na dulot na rin umano ng pagiging working student niya kaya nahirapan umano siyang balansehin ang pag-aaral at trabaho. Gayunpaman, noong siya naman ay nasa elementary at sekondarya ay isa siya sa mga honor students.

Source: Brylee Gilbuena

Bunso siya sa kanilang limang magkakapatid at dahil parehong walang trabaho ang kanyang mga magulang ay ang kanyang ate ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya para itaguyod ang kanilang mga pangangailan, kabilang na ang kanyang pag-aaral. Bukod sa kanyang pamilya, ay malaki rin ang pasasalamat ni Brylle sa Diyos sa kanyang naging tagumpay.

Saad pa ni Brylle, “Before I start studying, I pray and read the Bible so that God will guide me and I trust Him to ease my worries. I told myself, whether I pass the board or not or if I will top the board or not, I will praise God.”

Source: Brylee Gilbuena

Dagdag pa niya, kinailangan niya umanong i-delay ang pagkuha noon ng board exam dulot ng kakulangan sa pera. Kaya naman nagturo muna siya as Senior High School bilang isang guro sa UCLM sa loob ng limang buwan para may maipambayad sa kanyang pagre-review.

Kaya naman laking pasasalamat niya ng nagbunga ang lahat ng kanyang pagsusumikap, dahil nang siya ay makapasa sa board exam ay binigyan siya ng bagong kotse ng kanyang paaralan bilang isang gantimpala at pasasalamat na rin sa karangalan na binigay niya sa kanyang paaralan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kinaantigan Ang Batang Lalaking Nakatayo Sa Labas Ng Isang Bahay Na Nakikinood Ng Telebisyon

Bagong Kasal, Hindi Alintana Ang Maputik Na Reception Habang Sumasayaw