in

“Like Father Like Son” Si Wendell Ramos At Ang Kanyang Panganay Na Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bago madiskubre bilang isang artista si Wendell ay una itong naging modelo, 41 years old na si Wendell ngunit sa kaniyang postura at pangangatawan ay hindi ito aakalain na nasa ganyan na siyang edad. May tatlong anak na si Wendell sa kaniyang nonshowbiz na girlfriend.

Source: Wendell Ramos Instagram

Matatandaang naging isa siyang matinee idol kasama sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa programang ‘Click’ at naisipan niya ring sumali sa cast ng sikat na comedy show na Bubble Gang ng GMA 7 na hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik ng mga manunuod, ngunit taong 2015 nang lumipat sa ABS-CBN si Wendell at 3 taong makalipas ay bumalik ulit ito bilang isang Kapuso sa GMA 7.

Source: Wendell Ramos Instagram

At nitong December 9, 2017 ay ikinasal si Wendell sa kaniyang Longtime girlfriend na si Kukai Guevarra sa Paranaque.

Masasabing Like father like son si Wendell at ang kaniyang panganay na anak na si Wendell Saviour Jr. dahil sa namana niya ang hilig sa pagwowork-out ng kaniyang ama at parehas na nila itong ginagawa ngayon.

Source: Wendell Ramos Instagram

Makikita sa katawan ni Wendell Saviour Jr. ang bunga ng kaniyang pag-aalaga sa kaniyang pangangatawan, tulad ng ama ay fit na fit na rin ang pangangatawan ng anak. At ang isa pa sa parehas na hilig ng mag-ama ay ang paglalaro ng basketball, sa katunayan ay ito na nga raw ang nagiging bonding nila.

Source: Wendell Ramos Instagram

Sa mga katangian ni Wendell Saviour ay talagang maraming mabibighaning dalaga sa kanya lalo na at hindi lang sa physical ito may panlaban dahil may ibubuga rin ito pagdating sa talento.

Source: Wendell Ramos Instagram

Hilig din raw kasi niya ang pagkanta at hindi mapagkakaila na magaling siya pagdating rito. At suportado rin siya ng kaniyang ama at kung sakaling papasukin niya rin ang mundo ng Showbiz.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Coleen Garcia-Crawford, Sinurpresa Ng Kanyang Pamilya Sa Ika-29th Birthday Nito

Sharon Cuneta, Masayang Na Ibinahagi Ang Kanyang Matagumpay Na Pagpapapayat