in

Coleen Garcia-Crawford, Sinurpresa Ng Kanyang Pamilya Sa Ika-29th Birthday Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Celebrity mom na si Coleen Garcia-Crawford, ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday sa kanilang bahay nitong Setyembre. Ibinahagi naman ng aktres sa kanyang Instagram post ang ilan sa mga moment noong kaarawan nito.

Bagamat sa bahay lamang nila ipinagdiwang ang kaarawan ni Coleen ay mapapansin na tunay na pinaghandaan ito ng pamilya niya. Maganda ang pink-and-gold themed backdrop na may malaking numerong 29.

Source: Coleen Garcia-Crawford Instagram

Blooming na blooming din ang celebrity mom, at nakapatong sa hita nito ang pink flower bouquet na pang ‘miss-universe’ ang arrangement. Syempre hindi mawawala ang photo kung saan hinihipan ni Coleen ang colorful birthday cake nito na may maraming kandila.

Source: Coleen Garcia-Crawford Instagram

Inamin naman ni Coleen na hindi nito inaasahan ang munting sorpresa sa kanya ng kanyang pamilya. Saad nito sa caption ng kanyang post, “I really wasn’t expecting to do anything for my birthday this year, but my family and friends decided to surprise me here at home.”

Source: Coleen Garcia-Crawford Instagram

Makikita sa ilang shots na talaga naman masayang-masaya ang aktres sa surpresa aa kanya ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Dagdag pa nito, “You know how surprised I was? Some of them arrived and I was still in my pantulog, so the first thing I did was run up straight to the shower: “Omg di pa ako naliligoooooooo”. Hence, the wet hair.”

Source: Coleen Garcia-Crawford Instagram

Bagamat nabigla sa sorpresa sa kaniya, ay blooming at beautiful pa rin ang aktress sa kanyang simpleng get-up. Kasama nito ay mga pictures kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Saad din nito sa isa nitong post, “So full of love and gratitude. Thank you my loves, You made my birthday extra fun and happy!”

Source: Coleen Garcia-Crawford Instagram

Bago pa man ito ay nagbigay na ng munting mensahe ang kanyang asawa na si Billy Crawford at nagpost din si Coleen ng mensahe kung gaano ito nagpapasalamat sa mga biyaya na natanggap niya. Kinagiliwan naman ng netizens ang bagong photos ng kanilang anak na si Baby Amari.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Ang Loves Story ni Beauty Gonzales At Ng Kaniyang Mayamang Asawa Na Si Norman Crisologo

“Like Father Like Son” Si Wendell Ramos At Ang Kanyang Panganay Na Anak