in

Alamin Ang Loves Story ni Beauty Gonzales At Ng Kaniyang Mayamang Asawa Na Si Norman Crisologo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matatandaang naging isang housemate sa bahay ni Kuya sa PBB Teens Edition si Christine Marie Beauty Luche Gonzales o mas kilala bulang si Beauty Gonzales na isang half Filipina at half spanish, naging starting point ni Beauty sa showbiz ang kaniyang pagsali sa PBB, pagkatapos nitong mapabilang dito ay nagsimula na ang kaniyang magandang karera sa showbiz, madami na ang proyektong kinabibilangan niya at dahil ito sa kaniyang husay sa pag-arte.

Source: ABS-CBN

Dati pa raw pansinin ang kagandahan ni Beauty, isa nga siya sa mga tinaguriang Cebu’s 12 prettiest Teens at kinoronahan din siya bilang Miss Teen Philippines- Central Visayas 2006. Hindi naman talaga maipagkakaila na bagay na bagay ang kaniyang pangalan sa kaniya. Mayroong maamong mukha at napaka simpleng ugali si Beauty kaya hindi na mapagkakaila na mapaibig sa kanya ang isang Business man at art curator na si Norman Crisologo na asawa niya na ngayon.

Source: ABS-CBN

Malaki ang agwat o pagitan sa edad ni Beauty at ng asawang si Norman ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi nila maibigan ang isat isa, at marami rin ang mga narinig at kumakalat na paninira na dahil sa yaman kaya lang nagustuhan ni Beauty si Norman, ngunit dahil sa mga komplikado at masasamang panghuhusga ay mas lalo nilang minahal ang isa’t-isa at ito pa ang naging dahilan kung bakit mas tumatag at tumibay ang kanilang pagsasama.

Source: ABS-CBN

Taong 2016 ng ikasal si Beauty at Norman, at nag bunga isang napaka gandang biyaya ang kanilang pagsasama at ito ay ang kanilang anak na babaeng si Olivia.

Nagsimula ang kanilang lovestory ng mapadaan raw si Norman sa isang Book Store at nakita niya si Beauty sa isang Magazine na siya ang mismong cover girl, at pagkakita niya rito ay sinabi niya sa sarili na kailangan niyang makilala ang babaeng ito kaya naisip niyang kontakin ang aktres na si Ellen Adarna upang makakuha ng impormasyon tungkol kay Beauty at dito narin niya naisipang hingin ang numero nito.

Source: ABS-CBN

Ngunit sa unang pagkakataong nagmessage siya kay Beauty ay hindi ito pinansin pero dahil sa pursigido siyang makilala ito, gumawa siya ng paraan at gumamit siya ng ibang number para tawagan ito at doon na siya nagpakilala at niyayang lumabas si Beauty. Sa Concert ng paboritong banda ni Beauty na Eraserhead unang lumabas ang dalawa at doon na nagpatuloy ang kumunikasyon ng dalawa. Paris ang unang lugar kung saan sila nag date pagkatapos nilang manuod ng concert.

Ayon kay Beauty isang malaking pagbabago daw ang naidulot ni Norman sa kanya dahil sa kaniya niya natutunang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho sa showbiz ika niya nga ang asawa niya ang nag guide sa kanya.

Source: ABS-CBN

Ito ang buong naging pahayag ni Beauty, ‘My whole life changed, when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor, he’s my everything.”

“That was one of the biggest changes, na uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the right time, he guides me very well kasi we really help each other.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

75 Anyos Na Lolo, Nagpapadyak Pa Din Kahit Madaming Nagrereklamo Na Siya Ay Mabagal Ngunit Naantig Ang Puso Ng Malaman Ang Kanyang Dahilan

Coleen Garcia-Crawford, Sinurpresa Ng Kanyang Pamilya Sa Ika-29th Birthday Nito