in

“Ibalik Mo Na Lang Kapag Successful Ka Na” Turan Ng Security Guard Na Nagbigay Ng Pangkain Sa Estudyanteng Nasarhan Ng Padala Center

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa kabila ng pandemya at sa hirap ng buhay marami pa rin ang mga taong tumutulong sa kanilang kapuwa. Katulad na lamang ng isang security guard ng isang remittance center na Palawan Pawnshop New Washington Branch. Nag-viral ito sa social media dahil sa tulong na kanyang ginawa sa isang estudyante na hindi nakaabot ng cut-off sa pagkuha nito ng padalang pera para sa kanya.

Source: Snhipher Prince

Matapos masaraduhan ang estudyanteng ito ng naturang remittance center ay naisipan nitong abutan ng pera ang estudyante dahil naawa ito sa kalagayan ng bata na hindi man lang niya nakuha ang padalang pera sa kanya. Lalo pa’t ito ay para sa kanyang pag-aaral.

Source: Snhipher Prince

Kaya naman ibinahagi ng estudyanteng si Snhipher Prince sa kanyang facebook account ang ginawang pagtulong sa kanya ng security guard na ito na nakilala bilang si Mariel Bolivar. Ayon sa kanya, sarado na raw ang remittance center pagdating niya at pinapabalik nalang siya kinabukasan.

Source: Snhipher Prince

Tanong pa sa kanya ng guard, “…..hay paalin.sarado eot a..(eh pano yan..sarado na..)”
“cge lng sir wat problema(Okay lng po sir, walang problema),” sagot naman ng naturang estudyante.
Dahil dito naisipan umano ng security guard ang kalagayan ni Prince na nag bo-board lamang sa kanilang lugar dahil baka wala itong maipambili ng pagkain lalo pa’t kung ang padalang pera lamang ang kanyang inaasahan.

Source: Snhipher Prince

Kaya naman nagulat na lamang si Prince ng bigla na lang siyang inabutan ng naturang security guard ng Php100 at sabay sabing ibalik na lamang niya ang pera kapag successful na raw ito. Saad ni Prince, “Dko lng alam maging reaction ko…pero isa lng masasabi ko sayu ..isa kang mabuting tao manong Guard.”

Narito ang kabubuang post ni Prince:
“Nakaka inspired ka namn manong guard…ung time na pag dating mo ng palawan..sarado na.at guard nlng ang natira..nakakataba ng puso ksi sabi sabi nya.
Guard…..to, ga board ka iya?(Iho, nag boboard ka ba dtu?)
Ako…..oo sir..
Guard…..hay paalin.sarado eot a..(eh pano yan..sarado na..)
Ako..cge lng sir wat problema(Okay lng po sir, walang problema)
Guard…..hai paano ing pang suea duna.may bugas kapat ing mn?(naku..paano mamaya ang pang ulam mo?may bigas kpa namn na lulutuin mo mamaya?)
Ako…..ok lng sir .sang gabiie lng mn.(Okay lng po sir.isang gavi lng namn..)
Guard…..balik lng naga tu .(Ah cge..balik ka nlng tom..hu.)
Tapos …..tumayo lng muna ako and after ng ilang minuto..may inabot sya skin..sabi nya..
Guard….” Tu oh…bsi wa kat ing ihapnon duna balik mo galing kakun dun pag maging successful ka eon.”(eho oh, tanggapin mo to pang hapunan mo mamaya..balik mo nlng sakin yan pag maging successful kna .)
Dko lng alam maging reaction ko…pero isa lng masasabi ko sayu ..isa kang mabuting tao manong Guard..wala sa halaga ng ung ibinigay ang naka tulong sakin kundi ung wagas ng pagkatao mo
Mostly sa mga gatueoon sa new Washington, kilaea maw ra dahil sa ana nga mayad nga pakikisama.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Goyong Ng That’s My Boy Ng Eat Bulaga, Floor Director Na Ngayon

75 Anyos Na Lolo, Nagpapadyak Pa Din Kahit Madaming Nagrereklamo Na Siya Ay Mabagal Ngunit Naantig Ang Puso Ng Malaman Ang Kanyang Dahilan