in

75 Anyos Na Lolo, Nagpapadyak Pa Din Kahit Madaming Nagrereklamo Na Siya Ay Mabagal Ngunit Naantig Ang Puso Ng Malaman Ang Kanyang Dahilan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang mahirap ang buhay at walang humpay ang pagsubok na kakaharapin natin. Kinokonsidera na retirement age pagdating sa 60 anyos ng isang tao at tinatawag na na senior citizen dahil sa edad nito. Sa ganitong edad kasi ay hindi na dapat pang kumakayod ang isang tao at magpokus na lamang sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan.

Source: Joana Karyl Alforte Arce

Ang nakakalungkot ay dahil sa hirap ng buhay, ilan sa ating mga kababayan na senior ay kinakailangan pa rin kumayod sa pagtatrabaho upang may magamit sa pang araw-araw na pangangailangan.

Source: Joana Karyl Alforte Arce

Gayundin ang 75 anyos na lolo na tanging pagpepedicab ang ikinabubuhay. Dito nito kinukuha ang pangtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Nasaksihan ng ilang netizens ang pagkayod ng lolo na ito sa pamamagitan ng social media.

Sa post ni Joana Karyl Alforte Arce, ay may isang litrato ng matanda at may caption na, “Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin’, at ‘Dami nga nag rereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas”.

Source: Joana Karyl Alforte Arce

Sa kabila ng edad ni lolo ay pinupursige nitong magpadyak sa kanyang pedicab. Ayon dito ay nagkaroon na ito ng mga pasahero na nagrereklamo dahil mabagal umano ang pagpadyak ng matanda kaya naman ay mabagal ang usad nito.

Marami naman sa netizens ang naawa sa kalagayan ni lolo at nais magbigay ng tulong. Sadyang nakakalungkot makakita ng magsusumikap kumita na isang senior citizen. Bagamat wala namang batas na nagbabawal sa kanila magtrabaho, ay nararapat pa rin na maalagaan sila at mamahinga na lamang sa kanilang tahanan.

Source: Joana Karyl Alforte Arce

Agad naman nagviral ang post ni Joana na umabot sa 18k reactions at 11k shares. Dahil dito marami ang nagbigay ng tulong kay Lolo, may groceries at pera din.

Source: Joana Karyl Alforte Arce

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Ibalik Mo Na Lang Kapag Successful Ka Na” Turan Ng Security Guard Na Nagbigay Ng Pangkain Sa Estudyanteng Nasarhan Ng Padala Center

Alamin Ang Loves Story ni Beauty Gonzales At Ng Kaniyang Mayamang Asawa Na Si Norman Crisologo