in

CuteCute

Silipin Dito Ang Pagiging Mabuting Ate Ni Andrea Torres Sa Kaniyang Kapatid Na May Special Needs

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala bilang isang mahusay na Kapuso aktres ng GMA 7 si Andrea Torres, ngunit hindi siya kilala ng lahat bilang isang ate. Pangalawa sa bunso si Andrea sa Limang magkakapatid at ang bunso niyang lalaking kapatid na si Kenneth ay isang special child na may special needs. Malapit sa isat-isa si Andrea at ang kaniyang bunsong kapatid. Para sa kaniya blessing ang kaniyang kapatid dahil hiniling niya ito sa kaniyang ina na gusto niyang may tumawag sa kanyang ate.

Source: Andrea Torres Instagram

Hindi naging mabigat para sa pamilya ni Andrea ang sitwasyon ng kaniyang kapatid bagkus ito pa nga daw ang dahilan kaya mas naging close sa isat-isa ang pamilya nila dahil tulong-tulong silang nag aalalay at nag-aalaga sa bunso nilang si Kenneth.
Ito ang mga naging pahayag ni Andrea patungkol sa kaniyang bunsong kapatid.

“Nung bata palang kami andami naming questions, parang bakit hindi siya nakakapagsalita, bakit hindi siya nakakaupo, bakit ang lambot lambot. So na inform na agad kami ng mga kailangan niya, kung paano siya alagaan.”

Source: Andrea Torres Instagram

“Siguro yung pinaka- impact is naging responsible kami kaagad tapos yung little things ma-appreciate mo kasi nakikita mo yung brother mo hindi niya yun na-experience. Kunwari di soya nakakasalita, hindi siya nakakapaglaro ng normal yung talagang siya lang mismo.

Hindi siya nakakakain ng solid foods, yung mga ganun. So mas naging positive kami, mas naging grateful tapos syempre mas close yung family kasi nagtutulungan for him.”

Source: Andrea Torres Instagram

“Never naman kaming nag give up sakanya pero ang pinaka lowest point yung kasi hindi na niya nasasabi pag may masakit. So parang e tinatamad siyang lumakad, so akala namin the usual na tinatamad lang siya lumakad, yun pala nagkaka-multiple organ failure na siya, so yun yung lowest.”

“Prayers lang tapos biglang nagtataka yung mga doctor bat nawala yung mga findings. Isa isa, nawala na to, nawala na yun kasi parang tumaas yung water, di’ba hindi siya pwedeng humiga kasi malulunod siya, parang ganun.”

Source: Andrea Torres Instagram

“Tapos pag nagkakasugat kasi hindi na naghe-heal, basta ang dami, dikit dikit tas nawala, okay na siya ngayon.”

Itong pag bahagi ni Andrea ng kanilang naging hamon sa buhay ay isang napaka laking tulong para din sa pamilyang may inaalagaang may special needs.

Mas maraming humanga kay Andrea dahil sa kaniyang pagiging mabait at matiyagang pag-aalalay at pag aalaga sa kaniyang bunsong kapatid. Umani din ng maraming papuri sa social media ang pagiging dakilang ate ni Andrea.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, Ipinakita Sa Publiko Ang Kanilang Modernized Na 2-Storey Mansion Na Ubod Ng Ganda

Goyong Ng That’s My Boy Ng Eat Bulaga, Floor Director Na Ngayon