in ,

Goyong Ng That’s My Boy Ng Eat Bulaga, Floor Director Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Taong 1998 ng sumali si Steven Claude o mas kilala bilang Goyong sa isang segment ng Eat Bulaga na “That’s My Boy”. Hindi man ito ang nanalo bilang grand winner ay sumikat at nakilala pa rin ito. Naging puhunan ni Goyong ang kaniyang talento sa pagsayaw at pagkanta at dagdag pa ang kaniyang karisma na talagang nagpahanga sa mga manunuod.

Source: Google

Napasama pa siya sa isang sitcom taong 1999 na ‘Beh Bote Nga’ at isa siyang genie rito, kasama niya sa proyektong iyon sina Joey De Leon, Anjo Yllana, G Toengi, Aubrey Miles at meron pang iba. Nagkaroon din siya ng proyekto sa kabilang network sa ABS-CBN, ngunit sa mga panahong iyon ay mas gusto ni Goyong na iprayoridad ang kaniyang pag-aaral at iwan muna ang karera sa showbiz.

Source: Google

Nag-aral ng High School sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya taong 2007, at nagdesisyong magkolehiyo dito sa Pilipinas kaya pagkatapos niyang mag High School ay bumalik na siya ng bansa.

Sa Santo Tomas nag-aral ng kolehiyo si Goyong at dito na rin siya nagtapos. At nang makapagtapos ay kinuha siya ng Eat Bulaga bilang isang floor director, isa siya sa mga pinakabatang crew ng longest running noon time show na Eat bulaga.

Source: Google

Masusubaybayan mo rin ang buhay ni Goyong dahil aktibo ito sa kaniyang mga social media account at ayon sa ilang komento ay marami pa ring nakakaalala at nakakakilala sa kanya, ang ilan pa nga ay nagbabahagi ng kanilang kwento sa paghanga at aliw na aliw sila noong napapanuod nilang sumasayaw at kumakanta ito sa Eat Bulaga.

Source: Goyong Instagram

At ang ilan naman ay nais na mapanood ulit siya sa Eat Bulaga kasama ang lahat ng naging child star ng Eat bulaga tulad nina Ryza Mae Dizon, Aiza Seguerra, Baeby Baste, Atong Redillas, Dindin Llanera at Bj Tolits, magiging masaya kung sakaling pagsasamahin sila sa mismong palabas kung saan sila nagsimula.

Source: Goyong Instagram

Kung buhay pag-ibig naman ang pag-uusapan ay magandang balita ang meron si Goyong dahil masaya at may nagpapatibok na ng kaniyang puso, ang kaniyang non showbiz girlfriend na si Frances Charmaine Andal at matagal na silang nasa in a relationship status.

Source: Goyong Instagram

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Pagiging Mabuting Ate Ni Andrea Torres Sa Kaniyang Kapatid Na May Special Needs

“Ibalik Mo Na Lang Kapag Successful Ka Na” Turan Ng Security Guard Na Nagbigay Ng Pangkain Sa Estudyanteng Nasarhan Ng Padala Center