in

Cristine Reyes, Hinahangaan Bilang Isang Single Mom Dahil Ginagawa Ang Lahat Para Sa Kapakanan Ng Kanyang Anak Na Si Amarah

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang aktres na si Cristine Reyes ay kilala at hinahangaan ng marami, unang nakilala si Cristine sa reality show na Starstruck at matapos niyang lumabas sa palabas na iyon ay doon na nagsimulang umarangkada ang kaniyang career sa showbiz. Halos 5 taong siyang naging kapuso ng GMA 7 bago siya naging isang Kapamilya ng ABS-CBN.

Source: Cristine Reyes Instagram

January 27, 2016 ng ikinasal si Cristine sa Baselin Island, Quezon sa isang Mixed Martial Art Fighter na si Ali Khatabi, isang napakagandang biyaya ang dumating sa kanila at ito ay ang kanilang nag-iisang anak na babae na si Amarah ngunit ayon kay Cristine taong 2019 ay naghiwalay na sila nito.

Source: Cristine Reyes Instagram

Hindi naging maganda ang pagsasama ni Cristine at ng kaniyang asawa ngunit sapat narin sa kanila na nagbunga ng isang mabait at magandang anak ang kanilang pagsasama. At sa ngayon ay maganda na rin daw ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at para narin ito sa ikakabuti ng kanilang anak.

Source: Cristine Reyes Instagram

Isang malaking hamon ang isang maging single mom, kinakailangan niyang magsakripisyo at kumayod para maibigay at matustusan ang pangangailangan ng kaniyang anak lalo na at lumalaki na ito.

Source: Cristine Reyes Instagram

At dahil mahilig rin mamasyal ang mag-ina sa ibang bansa lalo na nung wala pa ang pandemya, gustong-gusto ni Amarah ang pumunta ng beach ayon sa ina nito, kaya mas kinakailangan niyang kumayod upang maibigay ang mga nais at nakakapagpasaya sa kaniyang unica hija na si Amarah.

Source: Cristine Reyes Instagram

Ito ang naging aral na natutunan ni Cristine bilang isang solo parent, kaya niyang gawin ang lahat at kahit na ano para sa kaniyang anak. Ganun naman siguro lahat ng mga single parent lalo na’t wala silang maasahang katuwang sa pagpapalaki ng kaniyang anak.

Source: Cristine Reyes Instagram

Ito ang naging pahayag ni Cristine sa isang virtual mediacon ng bago niyang pelikula, “Before pa po nagkaroon ng pandemic, I had to work na right away, so yun ang mas mahirap. Kasi yun ang time na bagong panganak palang ako kay Amarah and I got separated from her when she was only 4 months old. Yan yung devastated ko.

Source: Cristine Reyes Instagram

Natuto rin ako to live it coz’ I cannot do anything about it. I’m working mom, I’m single working mom.
And also before the pandemic happened, I got to work abroad for the movie ‘Untrue’ tapos three weeks, so wala pang pandemic noon.”

Source: Cristine Reyes Instagram

Ayon din kay Christine ay may balak din raw na pasukin ng kaniyang anak na si Amarah ang mundo ng Showbiz sa kaniyang paglaki.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Natatandaan Ba Ninyo si Sam Bumatay Na Gumanap na Lawiswis sa Mulawin, Heto Na Pala Siya Ngayon

Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, Ipinakita Sa Publiko Ang Kanilang Modernized Na 2-Storey Mansion Na Ubod Ng Ganda