in

Silipin Dito Ang Tahimik Na Buhay Ni Kitchie Nadal Sa Piling Ng Kanyang Asawa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Anna Katrina Dumilon Nadal- Lopez o mas kilala bilang Kitchie Nadal bilang isang sikat na mang aawit panahong 2000s, maraming kanta ni Kitchie Nadal ang sumikat at talagang kinabaliwan ng maraming Pilipino na hanggang ngayon ay hindi parin nalilimutan.

Source: Kitchie Nadal Instagram

Ang ilan sa mga kantang talagang tumatak sa maraming taga hanga ay ang mga kantang, ‘Huwag na Huwag mong Sasabihin, Bulong at Same Ground” karamihan sa mga kantang ito ay patungkol sa pag ibig kaya talaga namang marami ang nakisabay at nakarelate.

Source: Kitchie Nadal Instagram

Masasabing sa naging journey niya bilang isang mang aawit ay talagang naging isa siyang matagumpay at tanyag kaya matapos ang kaniyang career ay mas minabuti niyang mag focus sa kaniyang lovelife. Ikinasal siya sa isang journalist na taga Spain na si Carlos Lopez.

Source: Kitchie Nadal Instagram

Taong 2015 nang ikasal si Kitchie Nadal at si Lopez, dahil sa simpleng babae lamang si Kitchie ay mas ginusto niyang maging simple lang din ang kaniyang kasal kaya sa araw ng kasal nila ay nagtrending ito dahil sa nagkakahalaga lamang ng 799 pesos ang suot na wedding dress nito.

Source: Kitchie Nadal Instagram

Hindi importante sa kanila ang magarbong kasalan dahil para sa kanila ay sapat na ang pagmamahal nila sa isat-isa. Masayang magkasama sa Spain si Kitchie Nadal at ang asawa nito kasama ang kanilang nag-iisang anak na lalaki. At ayon sa kaniya ay kahit nandoon siya sa bansang iyon ay nagagawa parin naman daw niyang kumanta sa mga gig sa Spain.

Source: Kitchie Nadal Instagram

Kahit nasa malayong bansa na si Kitchie Nadal ay buhay at taos pusong pinakikinggan parin ang mga kantang kaniyang pinasikat. Nakatatak narin ang pangalan niya sa larangan ng musika dito sa Pilipinas. Masaya para sa mga taga hanga niya ang malamang masaya ang buhay na meron ang kanilang idolo kahit na wala na ito sa Pilipinas.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sipag, Tiyaga At Pagsisikap Ang Sandata Ng Isang Babaeng Basurera Noon, Na Isa Ng Businesswoman Ngayon

Claudine Barretto at Julia Barretto, Nagawa Pa Ring Purihin Ang Isa’t-isa Kahit Na Sila Ay May Tampuhan