in

Sipag, Tiyaga At Pagsisikap Ang Sandata Ng Isang Babaeng Basurera Noon, Na Isa Ng Businesswoman Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malaking pagsubok ang nagawang lampasan ng businesswoman na si Joy Binuya. Pangangalakal ng basura sa Payatas, Quezon ang pinagkakakitaan ng kanilang pamilya noon.

Ang 30-year old basurera noon ay isa nang negosyante ngayon. Beauty essentials ang negosyo nito at may labing-apat na staff kasama na ang kanyang mga kapatid. Bagamat kumikita na ngayon ay nakasanayan na ni Joy ang mag-ipon. Alam nito ang halaga ng bawat piso na pinagtatrabahuan niya.

Ngayon ay natupad na rin ni Joy ang pangarap niyang magkaroon ng bahay. Nakabili ng bahay si Joy at pinadagdagan ng isang palapag upang maging 2-storey house. Mula sa giba-gibang bahay na madalas pang tumutulo ng tubig sa loob tuwing umuulan, ngayon concreto at maayos na ang kanilang tirahan.

Ibinahagi naman ni Joy ang kwento ng kanyang buhay sa isang Facebook Post. Sa panayam sa kanya ng PEP.ph ay kinuwento ni Joy ang kanyang buhay. Saan nito, “I was 5 years old when my father died from heart attack… Wala kahit pisong naiwan sa amin.

“Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin.”

Source: Joy Binuya

“She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and yung pinaka naging work niya is pamamasura.”

Tumulong din si Joy na mamasura ang kanyang magulang, ayon dito, “Ako naman din tumutulong sa kanila pagkagaling ko from school.”

“Naghahatid ako ng pagkain. Umaakyat ako sa bundok ng basura kahit ang init-init. Hehe.

“Tumutulong din ako magpili ng kalakal, bakal, sibak, panta, etc.

“Puwede nga ako mag-work [sa] junk shops, eh, haha, charot.”

Ibinahagi dn ni Joy na mula Grade 4 ay tumutulong na siya sa pamamasura. Tinitipid din ni Joy ang pera nito upang makabili ng workbooks sa eskwela. Sa ibang workbooks naman ay tyinatyaga nito magsulat sa yellow paper dahil wala siyang pambili ng xerox.

Source: Joy Binuya

Pag wala itong pasok, ay pumapasok ito sa trabaho. Naranasan nito mag benta ng timba at kung ano ano pang gamit sa bahay. Bagamat highschool graduate lang ay tinangka nito magapply bilang saleslady sa kilalang mall. Natanggap din naman si Joy at nagtrabaho doon mula 2009-2013.

“Lahat na ata ng branch ng SM na-assign na ako.

“Andiyan yung mumurahin ka ng customer, mamaliitin ka, duduruin ka.

“Akala niyo okay kami, no? Kasi kuntodo makeup ‘tapos nakatakong pa.”

“Deep inside wala nang pera iyan. Nakasangla pa ATM. May 5-6 pa.

“Every night pag uuwi, umiiyak ako bago matulog kasi paulit-ulit na lang, walang nagbabago hindi ka masaya.”

“So, dun lang umikot yung ilang taon ko. Endo [end of contract], apply. Endo, apply.”

Hanggang sa napagdesisyunan ni Joy mag drop-shipping ng beauty products, siya ang nagsilbing middle man sa supplier at customer nito.

“Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon.”

“I bought phone, ‘tapos napansin ko yung opportunity ng social media kasi sobrang daming nag-o-order online.

“So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag.

“May mga times na utang pa, but it’s okay, nagsisimula pa lang, e.

“Kumikita ako ng 20 pesos, masaya na ako. Iipunin ko then pag lumaki, magdadagdag ako ng ibebenta. Until nakaipon ako.

Source: Joy Binuya

“Kasi ang bilis nakaipon. Ang lakas kasi. Nung 2014, wala pa masyadong nagbebenta ganoon, so, ang bilis kong nakaipon.”

Nang makaipon si Joy ay nagdesisyon na ito na pumasok sa kolehiyo at pinagsabay ang pagtatrabaho. Nang ma qualified siya sa scholarship ay pinursige na rin ni Joy ang pagpapatuloy ng kanyang pagaaral.

“Study and doing business at the same time.

“Mahirap pero dahil gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo iniinda yung hirap.

“I was so blessed kasi di ako pinabayaan ni Lord.”

Nakapagtapos naman si Joy bilang magna-cum laude, at tinapos na din ang pagd-drop shipping. Ngayon ay siya na mismo ang supplier ng produkto nito at may sarili nang negosyo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Naging Trademark Ni Randy Santiago Ang Pagsusuot Ng Sunglasses

Silipin Dito Ang Tahimik Na Buhay Ni Kitchie Nadal Sa Piling Ng Kanyang Asawa