in

Claudine Barretto at Julia Barretto, Nagawa Pa Ring Purihin Ang Isa’t-isa Kahit Na Sila Ay May Tampuhan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang tampuhan ng magkakapatid na sina Claudine Baretto at Gretchen Baretto laban kay Marjorie Baretto. Ngunit, kung makikita naman sa kanilang mga social media account mukhang maayos na ang relasyon ni Claudine kay Marjorie dahil nakikita na kung gaano na sila kalapit sa isa’t-isa.

Source: Claudine Baretto Instagram

Napabalita rin ang naging tampuhan nina Gretchen at Claudine sa kanilang pamangkin na si Julia Baretto. Sa isa ngang naging panayam kay Julia ng PUSH, inamin niya na wala siyang nakuhang galing sa pag-arte kung ikukumpara sa kanyang Tita Claudine na isa sa mga tinitingalang artista noong kabataan nito. Dahil para sa kanya nag-iisa lamang daw ang kanyang Tita pagdating sa kagalingan sa pag-arte.

Saad ni Julia, “Nakuha? Naku siguro wala. Siguro wala kasi nag-iisa lang siya eh.”
“Napakahusay niya and growing up you know, I’ve been always vocal about this. I have always been a fan of her and her work, of her projects and I really looked up to her growing up as an actress,” dagdag pa ng aktres.

Source: Julia Barretto Instagram

Ayon pa kay Julia, pagdating naman daw sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ay ginagawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ipagbuti ito.

Sa isa namang panayam kay Claudine, isa naman sa mga tanong sa aktres ay kung ano ang masasabi niya sa pagbagsak umano ng acting career ni Julia. Sinagot naman ito ni Claudine na kung ano ang pagkakaiba ng mga young stars ngayon kumpara sa mga young stars noon.

Sabi ni Claudine, “The difference between yung young stars before sa young stars ngayon is that ang dami dami dami nila. And it’s parang mas c𝔬mmercial sila kesa sa acting. Yung yung napansin ko sa mga teen stars ngayon.”

Source: Claudine Baretto Instagram

Inamin din ng aktres na nagkaroon sila ng tampuhan at meron siyang sama ng loob sa kanyang pamangkin pero pinuri pa rin niya ito.

Aniya, “Ako meron akong sama ng loob kay Julia, everybody knows that. But I don’t wanna think na bumagsak ang career niya. No, it’s ako, mas naiintindihan ko kasi since I’m here in showbizness.”

“Ang pagkakaintindi ko is that she’s just not given the right projects. And even when she, wala pang mga tsimis tungkol kay Julia, she was just really waiting, we were all just waiting for that good project to come to her.”

Ayon pa sa aktres, “Kasi nga ang problema, marami sila. May JaDine, may KathNiel, may LizQuen, may JoshLia, ngayon may JuRald. Medyo nega nga ang mga nasusulat para sa mga pamangkin pero at the end of the day, pamangkin ko parin yun eh.”

Source: Google

“Hindi ako naniniwala na babagsak kasi sa akin, nangyari na yan ilang beses na lalo na yung mga rebeldes days ko pero hindi siya bumagsak si Julia, naging nega lang siya and we just need a real good project for her.”

Pagtatapos pa ni Claudine, “Because, alam ko dugong Barretto yan, magaling yan. Tsaka may dugong Dennis Padilla yan so magaling yan siya sa comedy.”

Kahit na may samaan ng loob ang magtiyahin hindi pa rin naman nila nakakalimutan na purihin ang kakayahan ng bawat isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Tahimik Na Buhay Ni Kitchie Nadal Sa Piling Ng Kanyang Asawa

Natatandaan Ba Ninyo si Sam Bumatay Na Gumanap na Lawiswis sa Mulawin, Heto Na Pala Siya Ngayon