in

Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Naging Trademark Ni Randy Santiago Ang Pagsusuot Ng Sunglasses

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala sa showbiz ang pagiging mahusay na komedyante na si Randy Gerard Legaspi Santiago o mas kilala sa screen name na si Randy Santiago. Bukod sa pag-aartista, isa rin siyang magaling na singer. Sa kaniyang pagsisimula sa entertainment industry naging trademark na niya ang pagsusuot niya ng kaniyang sunglasses.

Marahil ang mga manonood at kaniyang mga taga-suporta na nagtataka kung bakit laging may suot na sunglasses. Isa ring songwriter si Randy, siya ang anak ng dating director na si Pablo Santiago at kaniya namang mga kapatid sina Rowell Santiago at Raymart Santiago. Si Randy ay mas lalong sumikat sa mga kantang “Babaero” at “Hindi Magbabago”. Siya rin ay naging host ng show sa “Magandang Tanghali Bayan” noong 1998.

Source: Randy Santiago Instagram

Marami ang gumaya sa kaniyang trademark na sunglasses, ngunit napansin ito ng mga manonood na hindi ito tinatanggal ng aktor sa kahit anong show at pelikula ng kaniyang pinagbibidahan. Sa kaniyang naging interview sa show ng “Magandang Buhay”, ibinahagi ng aktor ang dahilan kung bakit hindi niya tinatanggal ang kaniyang shades.

Ito ang naging pagbabahagi ni Randy, “Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong grade 2 ako nagkaroon ng cys𝔱 yung buk𝔬l sa may taas ng mata ko so the very first operati𝔬n okey naman so kailangan ko umulit ng grade 2.”

Source: Randy Santiago Instagram

“Tapos lumabas na naman yung cys𝔱 so in𝔬perahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina yung pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale nung D𝔬kt𝔬r kaya hindi na bumaka ng, bumubuka pa naman kahit papano,” ayon pa sa kaniya.

Pabiro pa niyang idinagdag, “Kaya pag tinatanong nila, ano yang mata mo 20-20 ba yan, hindi 20-10.”
Kahit daw ganito ang nangayri sa kaniya mapalad naman raw siya dahil hindi siya nakaranas na maging tampulan ng tukso noong siya nasa grade school palang.

Source: Randy Santiago Instagram

Maswerte naman daw siya dahil mababait ang kaniyang mga kaklase. Kahit naoperahan na ang kaniyang mga mata noon pasalamat pa rin siya sa kaniyang mga kaklase na hindi siya binubully dahil sa hindi magandang kalagayan ng kaniyang kabilang mata.

Si Randy ngayon ay may masayang pamilya sa asawang si Marilou Coronel at sila ay may tatlong anak. Mapapanood ang aktor sa game show sa TV5 na “Sing Galing” kasama ang mga komedyanteng sina K Brosas at Donita Nose.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ellen Adarna At Derek Ramsay, Makikitang In Love Na In Love Sa Isa’t-Isa Sa Kanilang Prenup Photos

Sipag, Tiyaga At Pagsisikap Ang Sandata Ng Isang Babaeng Basurera Noon, Na Isa Ng Businesswoman Ngayon