in

OMGOMG AngryAngry

Ellen Adarna At Derek Ramsay, Makikitang In Love Na In Love Sa Isa’t-Isa Sa Kanilang Prenup Photos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nito lamang October 12, 2021, ipinasilip ng aktres na si Ellen Adarna at aktor na si Derek Ramsay ang kanilang pre-nuptial photoshoot. Masayang ibinahagi ito ng celebrity couple na tila sila ay excited na sa kanilang paparating na wedding ceremony.

Source: Ellen Adarna Instagram

Nagbahagi si Ellen sa kanyang Instagram account, ng mga kuhang larawan ng kanilang pre-wedding pictorial kung saan ito ay ginanap sa tuktok ng isang matalahib na bundok na may napakagandang tanawin sa Anilao Batangas City. Ang post na ito ni Ellen na may caption na, “My forever D”.

Ipinahihiwatig ng kanilang mga larawan kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Sa Instagram account din ni Derek kanyang ibinahagi ang isang larawan na may caption na, “Can’t wait love!!” na nagpapahiwatig kung gaano siya ka-excited na Ang kanilang pre-wedding motif ay napaka-cozy kung saan sabi pa ni Ellen ito ang unang photoshoot niya kasama si Derek.

Source: Derek Ramsay Instagram

Sa kanilang mga larawan makikita ang mga itong nakasuot ng jeans wear to formal wear. At mayroon din silang kuhang larawan kung saan pareho silang walang damit pang-ibabaw na tila mala-adan at eve na naghahabulan sa matataas na damo.

Source: Ellen Adarna Instagram

Mapapansin din dito ang fiercer looks ng aktres habang suot niya ang kanyang beidge long dress. Sa hiwalay naman na larawan ni Derek kung saan pareho sila ng kulay ng suot ni Ellen, kitang-kita sa kanyang mga labi kung gaano siya kasaya sa kanilang photoshoot.

Source: Ellen Adarna Instagram

Ang mga larawan na ito ay kuha ng kanilang celebrity wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista.

Matatandaan na nito lamang taon ay na-engaged na ang dalawa kahit na bago pa lamang ang kanilang relasyon. Pareho silang galing sa fresh break-up ng mga panahong iyon at tila nahanap nila ang kaligayahan sa piling ng isa’t-isa. Naging kontrabersyal man ang inalisan nilang mga relasyon handa naman silang harapin ang kinakabukasan ng magkasama at wala ng makakapigil sa kanilang nag-aalab na pagmamahalan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Child Star Na Si Sabrina Man

Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Naging Trademark Ni Randy Santiago Ang Pagsusuot Ng Sunglasses