in ,

LoveLove

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Child Star Na Si Sabrina Man

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang half Filipina half Chinese ang dating Child Star na si Sabrina Man, taong 2000 March 12 ng siya’y ipinanganak na halos 21 years old na siya ngayon. Isang ganap na dalaga na ang dating sikat na child star na kasama sa mga batang bumida sa palabas na Panday Kids na umere sa GMA 7 taong 2010, kasama niya rito ang ilang sikat na child star sa GMA 7 tulad nina Buboy Villar at Julian Trono.

Source: GMA

Magandang ang naging takbo ng career ni Sabrina bilang isang child star, marami ang kaniyang naging proyekto, kung naalala niyo, isa din siya sa mga naging host ng Tropang Potchi kasama niya rito ang mga sikat ngayong sina Bianca Umali, Ella Cruz, Migs Cuaderno, Julian Trono, Izabel Frial at marami pang iba.

Source: GMA

Maraming taon na ang makalipas ng biglang hindi na napanood sa telebisyon si Sabrina, at ang huli niyang naging proyekto ay nung taong 2015 sa palabas na Once Upon a Kiss na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tan Felix na siya namang naging kontrabida sa palabas na ito.

Source: Sabrina Man Instagram

Ang pagbalik ni Sabrina sa lugar kung saan siya ipinanganak ang naging dahilan ng kaniyang pag-alis sa showbiz. Sa maraming hindi nakakaalam, ipinanganak siya sa Hongkong at naroon siya ngayon kasama ang kaniyang pamilya.

Source: Sabrina Man Instagram

Naka focus rin siya sa kaniyang pag aaral, at nagtapos siya ng High School taong 2019 at sa kasalukuyang nasa 21 taong gulang na siya ay nasa Kolehiyo narin siya at malapit ng makapagtapos ng Kolehiyo.

Source: Sabrina Man Instagram

Ayon sa kaniyang Social Media masaya ngayon si Sabrina dahil sa kasama niya ang kaniyang pamilya, ngunit marami ang nag aabang sa kaniyang pag babalik sa showbiz, marami rin ang nagtatanong kung babalik pa ba ito sa Pilipinas upang pasukin ulit ang mundo ng pag aarte.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sandro, Kinakikiligan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Angking Kagwapuhan

Ellen Adarna At Derek Ramsay, Makikitang In Love Na In Love Sa Isa’t-Isa Sa Kanilang Prenup Photos