in

Rita Gaviola, Gusto at Determinadong Sumali Sa Susunod Na Miss Universe Philippines

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakilala si Rita Gaviola o mas kilala bilang si Badjao Girl, nang siya ay naging housemate sa reality tv show na ‘Pinoy Big Brother: Lucky 7’. Ito ang naging daan ni Rita upang siya ay mas higit na makilala ng mga tao.

Source: Rita Gaviola Instagram

Dahil na rin sa kanyang sipag at dedikasyon maraming fans ang humanga sa kanya. Ang dating dalagang makikita lamang sa kalye na nanlilimos ay unti-unting naaabot ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya at para sa kanyang sarili.

Source: Rita Gaviola Instagram

Sa pananatili ni Rita sa loob ng ‘Pinoy Big Brother House’, kanyang ipinakita ang kanyang sipag at dedikasyon kahit na siya ang pinakabatang housemate ay kanyang pinatunayan ang kanyang sarili. Matapos ang naging journey niya bilang housemate ni Kuya, ipinagpatuloy niya pa rin ang showbiz at ang kanyang social media. Marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang bilib sa kanyang determinasyon.

Source: Rita Gaviola Instagram

Kagaya na lamang ng pag-anunsyo niya kamakailan lamang sa kanyang Instagram ang kanyang balak na sumali sa ‘Miss Universe Philippines’ sa susunod na taon. Sa kanyang post na may caption na, “Soon sasali na tayo sa miss u.”

Sa isa niya ring post, isang netizen naman ang nagtanong kung may plano si Rita na sundan ang yapak ni Kisses Delavin, na nakipagkumpitensya sa naturang pageant para sa korona bilang susunod na ‘Miss Universe Philippines 2021.’

Source: Rita Gaviola Instagram

Ayon nga sa kanya, matagal na niyang pangarap ang makasuot ng gown kahit noong bata pa lamang siya kagaya ng isang beauty queen, kaya ito ang kanyang naging inspirasyon upang matupad ang kanyang pangarap. Kaya naman sa susunod na taon ito ang nais makamtan ni Rita ang korona at maging isang beauty queen.

Samantala, bumuhos naman ang suporta ng kanyang mga tagahanga pati na rin ang iba pang mga netizens na excited na sa kanyang plano na sumabak sa susunod na ‘Miss Universe Philippines’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang OFW, Nanalo ng Php4.5 million sa Lotto Nang Itinaya Niya ang Kanyang Kahuli-hulihang Pera

Jackie Forster, Masayang Ibinahagi Ang Pagdiriwang Ng ika-11 na Kaarawan Ng Kanyang Napakagandang Anak na si Caleigh