in ,

Kilalanin Ang Napakagwapo At Isang Lisensyadong Pilotong Anak ni Kuya Kim Na Talaga Nga Namang Kanyang Ipinagmamalaki

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang isang magulang, obligasyon na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. At higit sa lahat ay ang masigurado nito ang magandang kinabukasan ng ating mga anak. Kaya naman isang ng tagumpay para sa ating mga magulang ang matupad ang ambisyon at mga pangarap ng ating mga anak.

Katulad na lamang ng TV host-anchor na si Kuya Kim Atienza na sobrang proud sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak na lalaki na si Jose III Hung Atienza. Ibinahagi ni Kuya Kim ang achievement ngayon ng kanyang anak kung saan isa na itong ganap na piloto.

Source: LEIAA INC.

Sa larawan na ibinahagi ni Kuya Kim, makikitang siya mismo ang sa eroplanong pinapalipad ng kanyang anak. Saad pa ni Kuya Kim, “First flight with Jose as my pilot. Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!”

Source: Kim Atienza IG

Makikita sa mga ngiti ni Kuya Kim ang walang katumbas na ngiti dahil sa naabot na tagumpay ng kanyang anak. Sa napaka batang edad na 17 taong gulang lamang ay isa na itong lisensyadong piloto sa katunayan ito ay nasa Grade 12 pa lamang. Ayon pa kay Kuya Kim, bata pa lang daw si Jose ay mahilig na raw talaga itong mangolekta ng mga laruang eroplano dahil ito talaga ang kanyang pinapangarap.

Source: LEIAA INC.

Kasama sa kanilang paglipad ang isang mataas na opisyal na nakapuwesto rin sa front seat ng eroplano upang maging gabay nito. Nagsanay si Jose sa Leading Edge Aviation Academy sa San Fernando City La Union. Dedikasyon at sipag sa pagsasanay ang naging puhunan nito hanggang sa makayanan niyang makapag palipad ng eroplano ng mag isa. Matapos ang matagumpay na pagsasanay ay natupad ni Jose ang pangarap niyang maging isang lisensyadong piloto.

Source: Kim Atienza IG

Hindi naman maikubli ni Kuya Kim ang saya at labis na pagkahanga sa kanyang anak na kahit batang-bata pa lamang ito ay kinakitaan na ito ng determinasyon at malinaw na hangarin sa kanyang ambisyon. Bukod sa kanyang dedikasyon at sipag hindi rin maitatanggi ang kagwapuhang taglay ng kanyang anak.

Source: Kim Atienza IG

Kaya naman payo ni Kuya Kim sa kanyang anak na si Jose lalo pa’t ito ang kanyang panganay na anak, na huwag na huwag makakalimot na magdasal kahit anumang tagumpay ang marating at kinabukasang naghihintay para sa kanyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Celebrity Mom Na Si Sunshine Cruz, Proud Sa Dean’s Lister Na Anak Na Si Angelina

Isang OFW, Nanalo ng Php4.5 million sa Lotto Nang Itinaya Niya ang Kanyang Kahuli-hulihang Pera