in

Lalaking Nagsumikap Magbenta Ng Balut Para Suportahan Ang Kanyang Pag-aaral, Isa Ng Engineer Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Natupad ng isang balut vendor ang kanyang pangarap na maging engineer! Sa loob ng limang taon ay kumayod si Benny Jose Tomas, 25, sa pagbebenta ng balut.

Source: Benny Jose Tomas

Pinili ni Benny mag-aral sa University of Northern Philippines kahit na mula Cagayan pa ito. Sa katunayan, wala itong pamilya o kakilala sa Ilocos Sur, kaya naman ay nagdesisyon itong magbenta ng balut upang may pangtustos sa pag-aaral at sa gastusin araw-araw. Saad nito sa panayam sa kanya ng Frontline Sa Umaga ng News 5, “Nung una na magtitinda ako, parang nahihiya ako. Parang binababa ko yung sarili ko, parang ganoon.”

Source: Benny Jose Tomas

“Pero na-realize ko na pag ganito ang nagiging feeling ko, wala akong patutunguhan.

“Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor.” Kumikita naman si Benny ng 500 araw araw sa pagbebenta ng balut.

Ika-lima si Benny sa kanilang magkakapatid at ito lamang ang nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang lahat. Ito naman ang naging daan upang mas lalong magpursige si Benny na makapagtapos siya ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Dagdag pa sa mga pagsubok na kinakaharap niya noong nasa Ilocos Sur ay ang pangungulila sa pamilya. Saad nito, ““Mahirap po kasi pag tinatawagan ko kasi si Mama, wala po silang ulam.

Source: Benny Jose Tomas

“Umuutang na lang sila ganoon. Ang daming utang.

“Pero someday, alam ko na mawawala lahat iyan.

Nang dumating ang p@ndemya, aminado si Benny na mahirap na ito magtinda. “Mahirap po nung naging p@ndemic. Mahirap magtinda,” ayon kay Benny.

Pinagsisikapan din ni Benny na maisingit ang bawat bakanteng oras nito sa pagtitinda at paghahanda ng ititinda. “Every time po na may break, ginagawa ko po yung business ko, na bumibili po ng paninda.

Source: Benny Jose Tomas

“Pag may break na naman, lilinisin ko ‘tapos pagkatapos ng klase namin, iluluto ko na po iyon.

“Magluluto po ako ng 5:00 p.m. to 6:00 p.m. ‘Tapos 6:00 p.m. to 8:00 p.m., magtitinda po ako.”

Hindi naging madali kay Benny ang pinagdaanan niya subalit nakamit naman nito ang kanyang pinapangarap. Pumasa sa sanitary licensure exam si Benny nitong taon. Subalit pipiliin pa rin ni Benny na manatili sa Ilocos Sur upang magtrabaho. “Magtiyaga lang kayo kahit anong hirap,” payo sa mga kagaya niyang may pangarap na makapag-aral sa kabila ng kahirapan.

Source: Benny Jose Tomas

“Mahirap talaga ang buhay, pero pag may tiyaga, makakamit mo ang pangarap mo. Pray to the Lord.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Grade 11 Na Estudyante, Hinahangaan Dahil Nagagawa Pang Sagutan Ang Module, Habang Namamasada

Celebrity Mom Na Si Sunshine Cruz, Proud Sa Dean’s Lister Na Anak Na Si Angelina