in

Isang Grade 11 Na Estudyante, Hinahangaan Dahil Nagagawa Pang Sagutan Ang Module, Habang Namamasada

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat isa sa atin ay may pinagdadaanan na pagsubok sa buhay. Iba-iba man ang pagsubok, pare-pareho natin ito kailangan lagpasan. Dagdag pa ang hirap na dulot ng nakakamatay na sakit na kumalat sa buong mundo, ay mas lalong hindi pinadali ang pag-angat natin sa buhay.

Subalit sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin ay may nakikilala tayong kababayan natin na hindi sumusuko sa hirap na kinakaharap. Siya ay si Michael Jabal, isang 21 taong gulang na estudyanteng nasa Grade 11.

Source: Facebook

Sa video na kuha ng MMDA Traffic Enforcer na si Markiel Monreal, ipinakita dito ang kasipagan ni Michael sa kanyang pag-aaral. Makikita sa video na nagsusulat sa yellow pad si Michael habang nakaupo sa tricycle. Hindi nito hinayaang may masayang na oras sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Tulad ng mga matagumpay na tao sa mundo, tinuring nitong Gold ang Oras. Ika nga, Time is Gold.

Sa mga sandali kasing hindi nag-oonline class si Michael ay namamasada ito upang kumita. Kwento naman ni Markiel, “Biniro ko po siya. Sabi ko, ‘parang mapapataya ka ata.’ Sabi niya, ‘hindi, online to, gagawa akong assignment'”

Tuwing nag-aantay pala ng pasahero si Micheal ay sinisimulan na nitong gumawa ng assignment. Pag amin ni Markiel, “nakakaamaze naman tong batang to kasi sa kabila ng nararanasang kahirapan sa buhay nakukuha niyang pagsabayin yung online class then namamasada po siya.”

Source: Facebook

Sa kasamaang palad ay kakaunti lamang ang nakukuhang pasahero ni Michael at sa maghapon nitong pamamasada ay 200 lamang ang kinikita niya. Subalit hindi ito pinanghi hihinaan ng loob kahit na kakaunti ang kita dahil dito nito kinukuha ang pangtustos sa pagaaral at pang araw-araw na gastusin.

Aniya, “Habang nagkaklase po ako namamasada po ako. Kapag may time po na wala pong pasahero sumasagot po ako sa mga assignment ko.” Nais umano ni Michael makapagtapos ng pagaaral at matupad ang pangarap na maging sundalo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 64-taong Gulang na Tricycle Driver, Matagumpay na Nakapagtapos ng Kolehiyo

Lalaking Nagsumikap Magbenta Ng Balut Para Suportahan Ang Kanyang Pag-aaral, Isa Ng Engineer Ngayon