in

Isang 64-taong Gulang na Tricycle Driver, Matagumpay na Nakapagtapos ng Kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ika nga nila tanging kinabukasan lamang ang maipapamana ng isang magulang para sa kanyang anak at ang kinabukasan ay walang pinipiling edad. Dahil edukasyon ang susi sa bawat tagumpay.

Source: Bayan Mo, I patrol Mo

Katulad na lamang ng nag-viral sa social media na si Tatay Generito Yosores, sa kabila ng kanyang edad at hanapbuhay hindi ito naging hadlang upang maitaguyod niya ang kanyang pag-aaral. Sa kursong Bachelor of Secondary Education, Major in English sa Western Mindanao State University-Molave sa Zamboanga del Sur ay nakapagtapos si Tatay Generito.

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Sa pamamagitan ng kanyang pagta-tricycle driver naitaguyod niya ang kanyang pag-aaral at kahit pa na siya ay 64 na taong gulang na. Hindi naging sagabal ang kanyang edad upang hindi niya makamit ang tugatog ng kanyang tagumpay at ito nga ay makakuha siya ng kanyang full pledge diploma ng kanyang pag-aaral.

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa ibinahaging kwento ng buhay ni Tatay Generito. Ayon sa ilang netizens, wala na umanong trabaho ang tatanggap sa kanya dahil sa kanyang edad na halos edad ng magre-retiro. Dagdag pa ng ilan, useless lamang daw ang kanyang naging pagtatapos kung hindi rin naman niya magagamit ang kanyang diploma upang makahanap ng maayos na trabaho.

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Ngunit, may iilan man ang nagbigay ng kanilang mga hindi positibong komento mayroon din naman ang nagbigay ng kanilang pagsuporta kay Tatay Generito. Dahil ang ipinakita lamang dito ni Tatay Generito ang pagbibigay niya ng importansya sa edukasyon kahit na siya ay senior citizen na tinapos niya pa rin ang kanyang pag-aaral na hindi niya nagawa noon. At gusto lamang din ni Tatay Generito na matupad ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kanyang minimithing kurso sa kolehiyo.

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Isang inspirasyon na maituturing para sa mga kabataan ang kwento ni Tatay Generito bagkus marami sa mga kabataan ngayon na hindi nagpapahalaga sa kanilang pag-aaral. Kaya nawa’y ang kwentong ito ay pumukaw sa kanilang mga isipan na habang bata pa ay matutong magsikap at mag-aral ng mabuti para sa isang magandang bukas na naghihintay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kauna-unahang Igorota Na Nakapagtapos Ng PH Airforce Military Training, Inspirasyon Ng Marami Ngayon

Isang Grade 11 Na Estudyante, Hinahangaan Dahil Nagagawa Pang Sagutan Ang Module, Habang Namamasada