in

Estudyanteng Ina Na Bitbit Ang Dalawang Anak Sa Klase, Graduate Na Ngayon Ng Master’s Degree

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pangkaraniwang tawag sa kaniya ng mga kaklase ay “Mommy Joyce”, isinalaysay ng estudyanteng ina ang kwento ng pagsisikap ukol sa kaniyang pangarap. Ang masipag na estudyanteng ina na ito ay ipinagsabay ang pag-aaral at pagiging ulirang ina sa dalawa nitong anak. Tampok ang kwentong ito sa mga netizens na naghatid ng inspirasyon at sumalamin sa karamihan na kahit ano pa o ano ka ngayon ay walang batayan upang ang iyong nais at pangarap ay iyong makamit.

Sa klase ng ating pamumuhay natin ngayon ay kailangan mo talagang magbabad sa init upang matumbasan lahat ng ating paghihirap katulad ni Mommy Joyce na taglay ang mabibigat na malaking lalagyan ng kagamitan kagaya ng tubig, snacks, diaper para sa mga anak, kasama na rito ang mabibigat na aklat at journals sa pag-aaral at hindi lang ito sapagkat tungo sa paaralan ay sasakay ng trucycle, jeep, taxi o grab, UV , akyat baba sa overpass na nakayanan ni Mommy Joyce.

Source: Asianparent

Sa ganitong paraan upang maitapos niya ang pag-aaral ay nagtiis siya at ginawang kalakasan ang mga naranasan niya.

Saad niya, tuwing siya’y papasok sa paaralan ay dala-dala ang mga anak, salitan siya sa pag-dala ng kaniyang anak sa eskwela. Sa tamang pagkakataon ay nakikisuyo siyang kaibigan o kamag-anak upang magbantay sa mga anak nito, datapwa’t kung walang mag-aalaga sa mga anak ay isinasama niya na ito na ipinagpasalamat niya dahil sa maintindihin niyang professor at kaklase.

Source: Asianparent

Ang asawa ni Mommy Joyce ay nagtatrabaho pagkatapos nito tutungo na sa paaralan upang sunduin ang mga anak. Madalas makapagsundo si Mister ay patapos na ang klase nito.

Pagkukwento ng estudyanteng ina, ” Napakarami naming experiences na nakakatuwa, nakakatawa, nakaka-stress, at nakaka-bless.”

Sa kabilang dako naman ay nakisuyo siya sa kaniyang brother-in-law ni Mommy Joyce na magtungo sa paaralan upang buhatin ang kaniyang munting 7-buwang gulang na sanggol sapagkat kailangan nitong magpresent ng report sa klase. ” Habang nasa last few slides na ako ng aking report ay dinig na sa buong building ang napakalakas na iyak ni baby. Gutom na gutom na siya.”

Source: Asianparent

Natapos ang kaniyang pag-aaral sa Master’s Degree na mainam na sa mga limang nagdaang taon. Sa panimula ng kaniyang pag-aaral, ang kaniyang panganay na anak nasa tatlong taong gulang na. Sa kalagitnaan ng ganitong sitwasyon ni Mommy Joyce noong siya ay nagdadalang tao na sa pangalawa nitong anak ay sige naman ang kaniyang pakipagsapalaran sa pag-aaral, pag-aalaga ng bata kasabay nito ay ang pagtatrabaho.

Sa umaga ay hinahatid sundo sa paaralan ang bata, at pagdating gabi ay saka naman siya roon nagsusunog ng kilay. Mayroon pa itong mensahe na nakabibigla noong sa mga panahon na siya ay nag-aaral pa.

” Huling semester ko na sa UP kaya kahit na nagkaroon ako ng c0vid sa kalagitnaan ng sem. Tuloy pa rin ako sa pag-attend ng online class.” Ngunit kaakibat ng kaniyang pagod upang magpatuloy naniniwala pa rin siya na sa kaniyang lalakarin sa mabatong biyahe ay tiyak na hindi sayang ang lahat ng ito sapagkat ang kaniyang mabatong nilakad ay siyang bato sa matibay na pangarap ang naghihintay sa kaniya.

Sa ikalawang pagsusulit na kaniyang binigyang laan matapos ang dalawang araw ay heto na at sabik na matanggap at makuha ang kaniyang ninanais na Master’s Degree at nakapagtapos through via, ” virtual graduation.”

Sa mga mahabang sandaling inilaan niya ay nagpahatid siya ng labis na pasasalamat sa pagsama at pagsuporta sa kaniyang paglalakbay at sa huling pagkakataon ay nagpatid siya ng mahalaga niyang natutunang aral sa kaniyang pinagdaanan. ” Napakaraming mga natutunan. Napakalakas ang ating karakter at pananampalataya. Nahubog ang ating pagkatao. Namulat ang ating isipan. Nabago ang ating pananaw na ang tagumpay pala ng isang tao ay hindi nasusukat sa diplomang papel, sa ‘sablay’, o sa anumang seremonya ng pagtatapos.”

Source: Asianparent

” Ang tagumpay pala ay makikita sa araw-araw na paglaban sa mga hamon ng buhay. Ang makatulong sa iba, makapagbigay inspirasyon sa iba, ang maiangat ng iba, magbigay direksyon sa iba, maglinkod sa iba, ito pala ang tunay na tagumpay.”

At sa kabila ng lahat ng ito ay tampok sa mga netizen ang kwento ni Mommy Joyce na umani ng samot-saring mga komento na ang iba ay kasintulad ng karanasan niya at ang iba ay nagpahayag ng paghanga para rito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sikat na Celebrities Na Nakapagtapos at Nag-Top Sa Kanilang Kursong Kinuha

Isang OFW Nagulat Ng Madatnan Na Tapos Na Ang Kanilang Bahay, Iniipon Pala Ng Kanyang Asawa at Anak Ang Kanyang Ipinapadalang Pera