in

Sikat na Celebrities Na Nakapagtapos at Nag-Top Sa Kanilang Kursong Kinuha

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa ang edukasyon sa huhulma ng ating buhay kabilang na rin ang future na ating pinapangarap. Kaya naman ay dapat lamang na pagbutihin natin ang ating pag-aaral. Ilan sa mga showbiz stars ang nagbigay halaga sa pagkakaroon ng edukasyon at talaga naman pinagbuti ang kanilang pag-aaral dahil hindi lamang sila nakapagtapos kundi nakatanggap din ng “Latin Honors”. Higit na nakakainspire ang nga celebrity na ito.

Agot Isidro

Isa sa mga celebrity na lalong gumaganda habang nagkakaedad, ay si Agot Isidro. Maliban dito ay gradute din ito sa Fashion Institute of Technology sa New York para sa kursong Fashion Buying and Merchandising at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude.

Chin-chin Gutierrez

Hindi lamang puro ganda kundi may titulong Magna Cum Laude si Chin-chin Gutierrez sa kursong Mass Communications sa Miriam College.

Chris Tiu

Nakapagtapos bilang Cum Laude sa Ateneo De Manila University si Chris Tiu para sa kursong Management Engineering.

Melanie Marquez

Beauty and Brains si Melanie Marquez na tinanghal na Miss International 1979. Kinuha nito ang kursong Business Administration sa International Academy of Management at nakapagtapos bilang Cum Laude.

Shamcey Sup-sup

Tinuring na pinakamatalino na Beauty Queen dahil nakapagtapos ito ng Magna Cum Laude sa University of the Philippines para sa Architecture at Board Top Notcher din noong 2010.

Carla Abellana

Nakapagtapos ito sa De La Salle University-Manila na Cum Laude para sa kursong Psychology. Madalas din itong Dean’s Lister.

Yasmien Kurdi

Magna Cum Laude sa Arellano University para sa kursong Political Science si Yasmien Kurdi.

Benjamin Alves

Bachelor of Arts in English Literature ang tinapos ni Benjamin sa University of Guam kung saan ay naging Summa Cum Laude ito.

Renz Valerio

Magna Cum Laude si Renz sa Our Lady of Fatima sa Antipolo para sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Maliban din at Academic Excellence Awardee rin ito at Best in Marketing Research.

Giselle Sanchez

Magna Cum Laude sa University of the Philippines si Giselle para sa kursong AB Broadcast in Communication.

Paula Peralejo

Sa University of the Philippines din nakapagtapos si Paula at naging Magna Cum Laude para sa kursong Bachelor of Arts in Philosophy.

Myrtle Sarrosa

Dating PBB housemate na si Myrtle ay nakapagtapos bilang Cum Laude sa University of the Philippines.

Venus Raj

Cum Laude si Venus Raj sa University of Bicol para sa kursong Communication Arts Major in Journalism.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

10 Years Na Pabalik-balik Sa Kolehiyo, Dinumog Ng Napakaraming Trabaho

Estudyanteng Ina Na Bitbit Ang Dalawang Anak Sa Klase, Graduate Na Ngayon Ng Master’s Degree