in

CuteCute

10 Years Na Pabalik-balik Sa Kolehiyo, Dinumog Ng Napakaraming Trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tulad nga naman ng kanta ni Miley Cyrus, “Ain’t about how fast I get there. It’s the climb.” Hindi nadadaan sa pabilisan ang success kundi sa bawat sandali na pinipili nating tumayo tuwing nadadapa tayo. Tulad na lamang ng naranasan ni Chryzel Joy Gordula Landicho na sampung taon ang inabot sa kolehiyo.

Ibinahagi naman ni Chryzel sa PEP.ph ang kanyang kwento. Ayon ditto ay kumuha ito ng kurso na practical nursing sa kolehiyo “Two-year course lang po iyon. Pero inabot ng four years kasi patigil-tigil ako.

“Year 2014 ko po natapos. Noon po ay 23 years old na ako.”

Subalit hindi naging madali ang kanyang buhay estudyante dahil mayroon siyang inaalagaan na pamangkin. Dagdag nito, “Six months pa lang yung baby nang iwan sa akin. Kaya kailangan ko rin talagang kumayod para suportahan siya.”

Source: Chryzel Joy Landicho

Dahil dito ay kinailangan din ni Chryzel na kumita ng dagdag income na susuporta sa kanyang pag-aaral at sa mga pangangailangan ng kanyang pamangkin. Nagtrabaho ito bilang kahera sa sabungan, factory worker, at iba’t ibang trabaho na pwedeng pagkakitaan. Sa katunayan ay dalawang taon nagtrabaho sa Doha, Qatar si Chryzel bilaang babysitter. Bagamat mabuti ang pakikitungo sa kanya ng amo at pamilya nito ay nagpasya itong ipagpatuloy ang pagaaral. “Mababait po ang mga amo ko. Pero nagpaalam ako sa kanila na mag-aaral ako.

“Hindi ako ma-satisfy na kahit kumikita ako, hindi ako mapalagay. Parang may kulang. Gusto ko po talagang maging teacher.”

Nag-enrol sa Laguna State Polytechnic University-Siniloan Campus si Chryzel at kumuha ng Bachelor of Science in Agricultural Education. Pagkukuwento nito, “Kasi po parang double degree. Kung matatapos ko, puwede akong kumuha ng Licensure Exam for teachers at Licensure Exam for agriculturists.”

Subalit naubos ang perang naipon nito mula sa pagiging OFW nang tumuntong na ito sa third year. Ayon rito, “Nahirapan po ako sa pang-araw-araw na expenses namin ng pamangkin ko.

“Parang nagsu-survive lang ako halimbawa ngayong araw na ito, pero kinabukasan di ko na alam kung saan kukuha ng panggastos. O, kahit pamasahe man lang sa jeep papasok sa school.”

“Halos mapudpod ang sapatos ko sa paglibot sa buong campus. Kapag nakabenta na ako ng 100 pesos, okey na, quota na.

Source: Chryzel Joy Landicho

“Yung P60, pamasahe; yung 40, pangkain ng lunch.
“Puwede na ako niyan pumasok sa second subject kasi may sigurado na akong panggastos for that day. Yung susunod na araw, bahala na ulit si Batman.”
Hindi rin maiwasan na may biglaang gastusin sa pag-aaral katulad ng mga projects at contribution para sa activities.

“My mind is divided on acads and on how I will get the money to spend. Sometimes it feels like it’s me against the world. Tipong kailangang-kailangan ko pero wala talaga, wala akong mapagkunan.

“Umiiyak akong mag-isa, lumalaban ako nang tahimik, nang walang nakakaalam except kay God.
“Mahirap, nakakapagod, para akong lumalaban na wala man lang akong dalang bala. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong ipanalo ang laban.”

Subalit hindi sumuko ito sa hirap na kinakaharap. Isang offer naman ang natanggap nito na makapagtrabaho sa Japan. Ayon rito, “Sa cattle farm po ang magiging work. Maggagatas ng mga baka. Nakapasa ako sa mga exams at sa interview.”
Ngunit parang pinagbagsakan ng mundo ang naramdaman ni Yzel nang hindi matuloy ang pagtatrabaho doon. “Nagkaroon po bigla ng ban sa employment doon. Para po akong na-depress…”

Dumating ang panahon ay binigyan siya ng offer ng isang kaibigan na magtrabaho sa Iloilo bilang Call Center Agent. “Natanggap po ako,” pagbabahagi ni Yzel. “Kaya lang ay one month lang akong naging call center agent kasi aminado po akong di ako kahusayan.

“Nalipat po ako sa mas mababang posisyon bilang chat support ng isang online shopping company.”
Sa kabila ng opportunidad ay kinailangan na naman bumalik ni Yzel sa pag-aaral dahil napagdesisyunan na madidisolve umano ang kurso nito.

“Madi-dissolve na raw po ang aming course! Nag-panic talaga ako. Last batch na raw po kami.
“Naisip ko po kasi, kapag na-dissolve at hindi ako nakasama sa last batch ay mapipilitan akong mag-shift ng course.

“Matatagalan na naman bago ako maka-graduate.
“Hindi ko na rin mabilang kung ilang batch ang nakasabay ko, kung ilang beses akong tumigil at nagpatuloy, at kung ilang beses akong naiwan ng mga ka-batch ko.”

Kaya right there and then ay nag-decide siyang mag-resign sa trabaho at umuwi sa Laguna para mag-enrol.

Source: Chryzel Joy Landicho

“Isinugal ko po uli ang kunti kong ipon.”
Sa pagdating ng pandemya at nagpasya si Yzel na rumaket at magbenta online.
“Nakatulong po sa akin yung naging experience ko sa pagiging technical support ng online shopping company.
“Alam na alam ko kasi kung paano at saan mag-o-order. Kabisado ko rin ang products na malakas ibenta.
“Lahat itininda ko—ilaw, damit, kumot, face masks, cellphone accessories.
“Nagbenta rin ako ng load.”
Nagtututor din ito bilang isa sa kanyang mga raket, “Mga anak ng mga kapitbahay ko ang tinu-tutor ko kapag wala akong klase. Twelve students sila na isa-isa kong tinuturuan.”
Ngayon ay marami na ang natatanggap ni Yzel na job offer subalit hindi trabaho ang tinanggap nito, “May nag-offer po ng libreng review para sa licensure exam. Ito po muna ang i-grab ko. Sayang din po yung ibabayad sa review.”
“Kasi po 30 years old na ako.
“Pag hindi agad ako kumuha ng board exam, baka tumanda na ako masyado, o makalimutan ko nang mag-take.
“E, kaya nga po ako nagsakripisyo, para maging lisensiyado ako dahil maging teacher talaga ang pangarap ko.”

Nag-iwan naman si Yzel ng mensahe para sa mga tulad nitong may kinakaharap na problema na makapagtapos ng pagaaral. “Sabi nga nila, kapag ayaw, maraming dahilan. Pero kapag gusto, maraming paraan.

“Hindi dahilan yung walang pampaaral ang mga magulang upang hindi magpatuloy sa pag-aaral.
“Huwag titingnan ang pagsubok na darating dahil mas napapangunahan tayo ng takot. Baka hindi na tayo mag-take ng risk. Mag-set ng goals.

“Yung mga struggles ay dadaanan lang at malalampasan natin kung naka-focus tayo kung ano ang gusto nating ma-achieve sa buhay.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Delivery Rider, Namataang Kumakain Sa Gilid Ng Kalsada, Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizen

Sikat na Celebrities Na Nakapagtapos at Nag-Top Sa Kanilang Kursong Kinuha