in

Silipin Ang Bonggang Wedding ng Aktor na si JC De Vera at Rikkah Cruz na Nagpawow sa Maraming Netizen!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga pinapangarap ng mga kababaehan ay ang maikasal sa simbahan, kaya naman ang ilan ay talagang pinagsusumikapang magkaroon ng magandang buhay upang makamit ang inaasam-asam na dream wedding.

Ngunit sa naganap na kasalan nina JC De Vera at Rikkah Cruz, sa pangalawang kasal nila natupad at naranasan ang kanilang dream wedding na talaga namang worth it. Ang unang kasal nila ay isa lamang simpling civil wedding at nagulat ang lahat ng ibalita ni Jc ang naganap na kasalan.

Source: JC De Vera IG

Isang dream come true para sa mag-asawang Jc and Rikkah ang naging kasalan nila dahil sa napaka bongga nito at ang magandang pagkaorganize. “Cometrue, You are our dream come true @gideonhermosa. We had to change venue the last minute and he was given 10 days to plan and execute and 1 day for ocular. No presentation, no mood boards. Just a surprised Gideonized wedding. You are amazing” isa sa mga pahayag nito.

Source: JC De Vera IG

Ito naman ang naging pahayag ni Jc sa mga nagtatanong kung bakit sila nagpakasal ulit, “Kailangan ‘yung church. Hindi ko siya madigest na hanggang doon lang kami sa civil wedding. Gusto talaga naming sa church. Yung civil wedding dumaan lang mas gusto naming magprepare ng something really big.”

Source: JC De Vera IG

Makikita naman talagang pinaggastusan at pinaglaanan ng effort ang kanilang church wedding, bagay na bagay at sobrang ganda tingnan ang dalawa sa suot nilang Francis Libiran wedding gown at Paul Cabral suit. Nakakamangha rin ang mga dekorasyon sa venue ng kanilang reception at mas naging bonggang pa ito tingnan dahil sa maraming ilaw at palamuti.

Source: JC De Vera IG

Marami namang nagpaabot ng pagbati at marami ang masaya para sa mag-asawa. Umani rin ito ng mga nakakatuwa at magagandang komento mula sa mga tagahanga ani Jc De Vera.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Idinaos Nina Mark Herras at Nicole Donesa ang Kanilang Kasal sa Isang Simpleng Civil Wedding Ceremony

Delivery Rider, Namataang Kumakain Sa Gilid Ng Kalsada, Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizen