in

Idinaos Nina Mark Herras at Nicole Donesa ang Kanilang Kasal sa Isang Simpleng Civil Wedding Ceremony

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Mark Herras bilang isang magaling na mananayaw at actor, nagsimula ang pagiging celebrity niya ng sumali at manalo ito sa isang reality show ng GMA na Starstruck. Pagkapanalo niya sa nasabing show ay talaga namang umarangkada ang kaniyang kasikatan at kaliwat-kanan ang kaniyang mga proyekto. Marami ang tagahanga niya dahil sa may itsura ito ay talagang humahataw pagdating sa dance floor.

Source: Mark Herras IG

Matapos ang ilang taon ay naisipan na rin ni Mark na bumuo ng kaniyang sariling pamilya kasama ang asawa na nito ngayong si Nicole Donesa. Masaya na si Mark sa buhay na meron siya ngayon, June 2020 ay engaged na ang daalawa at nitong nakaraang buwan ng Pebrero lamang ay biyayaan sila ni Nicole ng isang baby na pinangalanan nilang Corky.

Source: Mark Herras IG

September 8 ngayong taong nang ikasal ang dalawa sa isang simpleng civil wedding sa Quezon city sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Marami naman ang nagpahatid ng pagbati at marami ang natuwa ng magpost si Nicole ng kanilang litrato na may capton na “We tied the knot on Mama Mary’s Birthday.” Sa post naman ni Mark ay nilagyan niya ito ng caption na “Got Married”.

Source: Mark Herras IG

Nagpahayag rin si Nicole na ikakasal rin daw sila ni Mark sa engrandeng church wedding, at sinisigurado ito ni Nicole na nakatakdang mangyayari, “We’re saving the big celebration for that. We just don’t know when. It will happen.” Mas minabuti muna nilang intimate wedding muna ang mangyari dahil sa may pandemic pa at para sa kaligtasan ng marami.

Source: Mark Herras IG

Umani naman ng mga magagandang komento ang kanilang kasal, ang ilan sa mga netizen ay nagsasabing isang plain and humble wedding ang naging kasal nina Mark at Nicole. Tama raw at naging praktikal ang mag asawa sa panahon ngayon.

Source: Mark Herras IG

Lagi lang tatandaan na wala sa kong gaano ka gastos at bongga ang naging kasal ng mag asawa ang mahalaga ay masaya ang kanilang pag sasama. May tamang panahon para sa dream wedding at darating din yun, kailangang pag sumikapan at pag iponan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Batang Apat Na Taong Gulang, Pasikretong Nag-ipon Ng Pera, Nakatulong Dahil Nagamit Pa Sa Panganganak Ng Kanyang Ina

Silipin Ang Bonggang Wedding ng Aktor na si JC De Vera at Rikkah Cruz na Nagpawow sa Maraming Netizen!