in

Delivery Rider, Namataang Kumakain Sa Gilid Ng Kalsada, Nagpaantig Sa Puso Ng Mga Netizen

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa paglaganap ng p@ndemya at pagtaas ng mga kaso sa iba’t ibang sulok ng mundo ay siyang pagbaba naman ng ekonomiya, ng pagamutan, at restrikto sa sambahan. Gayundin ang pamumuhay ng maraming tao na apektado ng pandemyang ito.

Kahit sa pagtatrabaho ay nagkakaroon ng pagbabago na malayo na sa dating normal na mga negosyo upang maiwasan ang pagkahawa at maging ligtas ang lahat. Ang ibang mga factory at kompanya ay nalugi, at lumaganap ang tindi ng kagutuman. Karamihan ay nasa loob ng bahay at doon nagtatrabaho at madalas ay mga nagtatrabaho sa labas upang magsakripisyo.

Source: Facebook

Samantala, kailangan pa ding magsumikap upang ang kagutuman ay mapunan at patuloy na lumalaban sa labas upang maghabapbuhay. At dahil nauso ngayon ang applications na isang pindot lang ay meron ka nang produktong nabili, may mga physical stores at mga negosyo online katulad ng food chain delivery sapagkat iilan na lang ang kumakain sa loob ng restaurant.

Gayunpaman naging isa ring kagamit-gamit ang trabaho bilang isang delivery riders o delivery person. Ang trabahong ito ay kailangan ng sipag at tiyaga dahil ang trabaho sa labas ay isang sakripisyo dahil hindi lang p@ndemya kundi tinitiis nila ang init o ulan para lamang makabenta.

Isang delivery rider ang natagpuan na kumakain sa gilid ng kalsada kahit walang mesa,upuan o kahit ano pa man basta mapunan lamang ang kumakalam na tyan upang kahit paano ay magkaroon ng lakas upang magpatuloy sa biyahe at pagdeliver.

Source: Facebook

Iilan lamang sa post na ito, at tunay na nakakabilib at kahanga-hanga ang delivery rider na ito dahil sa pagsisikap upang mabuhay, marami ang nainspire at naantig sa deliver rider. Hindi madali ang ganitong trabaho dahil ang iilang kostumer ay hindi lumalabas at minsan pa kinacancel sa kalagitnaan ng order kaya dapat nating suportahan at magkaisa tayo gayon din na ituring natin sila ng maayos sapagkat sila ang nagpupursiging magdeliver ng ating mga order at mga pangangailangan natin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Bonggang Wedding ng Aktor na si JC De Vera at Rikkah Cruz na Nagpawow sa Maraming Netizen!

10 Years Na Pabalik-balik Sa Kolehiyo, Dinumog Ng Napakaraming Trabaho