Nakakamanghang isipin na sa murang edad ni Althea Tumapon ay nakakaya niya nang makapag ipon ng pera. Sa Lanao Del Norte nakatira si Althea, marami ang natutuwa sa nagawang pag-iipon nito, ang ilan nga siguro ay naiingit dahil sa sobrang hirap na makontrol ang paggagastos at talagang ang ilan ay sobrang hirap makapag-ipon ngunit ang isang napakabatang may edad na apat na tao ay nakayang makapag ipon. Marahil ang batang ito ay isang matipid at masinop ay nagagawa niyang hawakan at e manage ang kaniyang pera.

Isang malaking tulong para sa mga magulang ni Althea ang kaniyang pag-iipon dahil, may mapagkukunan na ang mga ito kung sakaling may mga pangangailangan ito para sa pamilya.

Nakakaawa ang sitwasyon ng kanilang pamilya dahil sa pipi at bingi ang mga magulang ni Althea at nitong nakaraang buwan ng Enero ay nanganak ang ina nito at nakatulong ang inipon niya sa mga gastos ng kaniyang ina.

Ang ipon na pera ni Althea ay nanggaling sa kaniyang lolo, lola at mga tiyahin. Nagulat ang mga ito ng malaman na nakapag-ipon ng pera ang bata kahit na wala namang nagturo sa kaniya, kusa niya lang itong ginawa at natutunan. Dahil sa nagastos na sa panganganak ng in anito ang kaniyang inipon ay nagsimula ulit itong mag-ipon.

Isang magandang halimbawa si Althea hindi lang sa mga bata kundi rin sa mga matatanda dahil isang napakalaking tulong ang pag-iipon dahil ika nga nila “pag may sinuksok may madudukot” at sa oras na may di inaasahang pangangailangan ay hindi na mahihirapang humanap dahil may nakatagong ipon.

Dahil sa magandang pag-uugali ng bata maraming mga magagandang komento ang natanggap nito mula sa mga nakabasa ng kaniyang kwento. Nagsilbi rin siyang isang inspirasyon para sa marami dahil sa masinop at may pagpapahalaga ito sa perang meron siya. Imbes na ibili niya ng mga pagkain at laruan dahil sa siyang bata pa ay mas naisip niyang ilan ito sa bagay na mas prayuridad.
Comments
Loading…