in

KC Concepcion, Nagbigay Ng House and Lot Sa Pinakamamahal Na Yaya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi madaling makakita ng taong magmamahal at magmamalasakit sa iyo ng lubusan. Wala din criteria at sukatan upang matawag ang isang tao na kapamilya, ito’y makikita sa gawa na ipinapakita. Ipinaparamdam na sa tagal man ng dumating na panahon ay naroon ito upang magbigay suporta sa bawat hakbang sa buhay.

Source: KC Concepcion IG

Gayun na lamang din ang yaya ni KC Concepcion na si Yaya Lina. Sa tagal nitong nanilbihan sa kanilang pamilya ay batid ni KC ang loyalty at bawat pagmamalasakit nito. Ito kasi ang nagpalaki at nag aruga kay KC simula noong bata pa lamang siya. Kaya naman ay lubos na nagpapasalamat si KC na nananatili pa rin ito sa kanilang pamilya at nagbibigay ng pagmamahal at pangangalaga.

Source: KC Concepcion IG

Upang kahit papaano ay masuklian ang pagmamahal ni Yaya Lina sa kaniya at kaniyang pamilya ay nagpasya si KC na regaluhan ito ng house and lot. Tila nanalo sa isang game show si Nanay Lina dahil sa regalong natanggap.

Source: KC Concepcion IG

Si KC ay anak ng batikang aktress na si Sharon Cuneta at ni Gabby Concepcion. Hindi lihim sa lahat ang pagsasama ng dalawa na umabot sa hiwalayan. Gayunpaman ay nanatili si Nanay Lina na pagsilbihan ang pamilya at alagaan si KC.

Source: KC Concepcion IG

Umani naman ng reaksyon sa netizens ang pagbibigay ni KC ng regalo sa kanyang nanay Lina. Hindi maitatanggi na talaga namang hindi biro ang pagbibigay ng house and lot. Makikita sa video na pinost ni KC na talaga namang hindi masukat ang saya at pagpapasalamat ni nanay Lina sa regalong natanggap.

Source: KC Concepcion IG

Sa katunayan, sa tagal na nanilbihan ni nanay Lina ay hindi na nito nagawang magasawa at bumuo ng sariling pamilya. Makikita ang dedikasyon at pagiging tapat ni nanay Lina sa kanyang tungkulin. Hanggang ngayon ay patuloy na pinangangalagaan ni nanay Lina ang pamilya pati na rin ang mga kapatid ni KC.

Source: KC Concepcion IG

Kamakailan lamang ay nagbigay ng tribute si KC para sa kanyang pinakamamahal na nanay Lina. Ibinahagi din nito kung gaano kaimportante sa kanya ang ginang. Tunay na wala nang papalit sa pagmamahal at dedikasyon na ibinibigay sa kanila ni nanay Lina.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Masayang Pamamasyal Nina Derek Ramsey at Ellen Adarna Kasama si Elias sa Bataan

Silipin Ang Napakabonggang Celebration Ng Birthday ni Baby Joaquin na Anak Nina Dianne Medina at Rodjun Cruz