in

CuteCute LoveLove OMGOMG

Baby Tali Na Anak ni Vic at Pauleen Sotto, Cute na Cute sa Suot Nitong Baro’t Saya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ng mga Filipino ang Buwan ng Wika upang mapaalala kung gaano kahalaga ang ating pambansang wika kasama narin ito ang selebrasyon ng kultura ng mga Pinoy.

Marami ang institusyon na nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kasama na diyan ang mga paaralan, opisina na gumagawa ng kani-kanilang pakulo sa selebrasyong ito.

Source: Pauleen Luna Sotto IG

Marami ring indibidwal ang nagpakita ng suporta, ilan rito ang mga celebrities tulad ng anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Baby Tali. Sa pag suot ng baro’t saya ipinakita ni baby Tali ang kaniyang pagkakaisa na selebrasyon ng Buwan ng Wika. Hindi naman maikakaila ang cute na awra ni baby Tali sa suot niyang Baro’t saya.

Source: Pauleen Luna Sotto IG

Ang larawan ni baby Tali habang suot suot ang white-and-red themed baro’t saya ay ipinost ng kaniyang mommy Pauleen na may caption na “Magandang araw mga Ginang at Ginoo.” Na talagang kinagiliwan ng maraming netizen sa social media. Halos umani ito ng maraming reaksyon at ilang libong komento na patuloy na mas dumarami pa. Ayon nga sa mga ito ay talagang mas lalong umaapaw ang kagandahan at sobrang cute ni baby Tali sa suot nito.

Source: Pauleen Luna Sotto IG

Hindi lang raw iyon, marami pa raw na mga gigil worthy pictures at videos ang meron si baby Tali, hindi rin nag pahuli sa pag tiktok ang cute na anak ni Pauleen at Vic.

Source: Pauleen Luna Sotto IG

Mas maraming humanga sa batang iyon at tila sobrang bilis ng panahon dahil parang kelan lang e sobrang baby pa ni Tali, ngunit ngayon kung titingnan mo ay sobrang laki niya na. Marami rin ang pumupuri sa smooth smile ni Tali,na halos wala na itong makita kapag ito’y naka ngiti. Maraming naaliw sa batang ito na nagbibigay saya sa ilang mga netizen at taga hanga nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Andrea Brilliantes, Pinasilip Ang Kanyang Nakakarelax Na Vintage-Themed Bedroom

Mga Proof Na Isang Ideal Boyfriend Si Daniel Padilla