in

CuteCute

Andrea Brilliantes, Pinasilip Ang Kanyang Nakakarelax Na Vintage-Themed Bedroom

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Unti-unting naaabot ng 18-year old actress ang kanyang mga plano sa buhay lalo na’t umuusbong na ang karera nito sa showbiz.

Source: Andrea Brillantes IG

Marami ang bumilib nang nagawa ng aktres makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya sa murang edad. Tunay na isa ito sa biggest achievement ni Andrea. Kalakip naman sa pagka-excite ng mga fans na makita ang loob na disenyo ng bahay ay ang bedroom tour nito.

Source: Andrea Brillantes IG

Proud naman na ipinakita ni Andrea ang bedroom nito na vintage ang theme. Sa vlog nito ay ipinakita niya ang kanyang kwarto. Pagbukas pa lamang nito ng pinto ay mapapansin agad ang vintage pieces na swak na swak sa tema na napili ng dalaga. Isa pa sa agad na mapapansin ay ang lawak at laki ng kanyang bedroom na nasa third floor ng kanilang bahay.

Source: YouTube

Ang kanyang kwarto ay may sariling snack bar, entertainment corner, a complete PC setup, lounge area, ‘muni-muni spot,’ vanity corner, at ang kanyang loft bed. Ang kanyang snack bar ay parang American diner na red ang dominant color. Agaw pansin at talagang hunger inducing ang kulay na pula. Dito ay may Cotton Candy Maker, Popcorn Maker, Ice Cream Maker, at Snow Cone Maker ang dalaga. Mapapansin din ang pulang pula na mini fridge nito na regalo sa kanya ng kanyang “Huwag Kang Mangamba” co-star na si Dimples Romana.

Source: YouTube

Makikita din ang kanyang entertainment area na may TV, at bean bags. Ang couch nito ay pwedeng maging full-sized bed at aminado naman si Andrea na dito sya madalas matulog. May isang gilid naman sa kanyang kwarto na mayroong drum set. Ayon dito ay nais din niyang matuto na mag drums.

Source: YouTube

Ipinakita din ni Andrea ang kanyang wardrobe na punong-puno ng mga sticker. Naka display din sa isang parte ng kanyang kwarto ang mga collections nito tulad ng Funko Pop, Marvel, Harley Quinn, at Adventure time. Mayroon din parte na puno ng Blackpink merch.

Source: YouTube

Napakarami ng mga bagay sa kwarto ni Andrea ang nagpapahayag ng personality nito. Maliban sa maganda at talented ay mukhang trendy at maraming interests si Andrea.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Carlo Aquino, Nakita Ang “The One” Sa Kanyang Non-showbiz Beauty

Baby Tali Na Anak ni Vic at Pauleen Sotto, Cute na Cute sa Suot Nitong Baro’t Saya