Ang noong unang TV host/aktres ng ABS-CBN Network na si Vanessa Del Bianco. Siya’y unang lumitaw sa TV Show na”Gimik”, pinakapatok noong 1996 na Youth-Oriented show. Isa rin siya sa mayroong role na kontrabida at guest doon.
Dahil sa malakas niyang karisma ay nabatid ito ng mga viewers. At hindi lang ito, sapagkat ang dating aktres ay matagal ng naninirahan sa Canada at siya rin ay half-Filipino at half-Italian.

Dahil sa umaapaw na $ex appeal, maging ang kaniyang awra ay ito’y nagpahanga at naging patok sa mga viewers. Isa din ito sa dahilan kung bakit noon din ay maraming humahanga sa kaniyang kalalakihan sapagkat taglay ng dating aktres ang kagandahan na siyang agaw pansin sa lahat.
Lumahok rin ang dating aktres noon sa ABS-CBN’s Star Circle Quest Batch 4 tsaka si Vanessa nakabilang sa “Gimik.”

Noon din ay may magandang imahe at career ang dating aktres sa mundo ng showbiz. At mayroong pumapasok sa kaniya na proyekto kasama na dito ang primetime TV series at gayundin ang TV commercial at kabilang na doon ang anti-dundruff shampoo.
Nakasama rin si Vanessa sa naging mainstay host ng noontime show ng ABS-CBN Kapamilya channel na “Magandang Tanghali Bayan” noong 1998. Tunay na mahusay gumiling si Vanessa na siyang nagpahanga sa mga citizens. Ang segmentong ” Stardance: The Search For The Dance Idol” ay isang reality show na kung saan nakabilang ang dating aktres.

Sa mundong ginagalawan ng dating aktres ay may kaakibat ring tampok na siyang nagkaroon ng kinalaman sa kontrobersyal na isyu si Vanessa sa mag-asawang John Estrada at Janice de Belen matapos lumaganap na siya ang third party. Kagaya ng mga shows meron rin itong hangganan, samakatuwid nagtapos ito noong 2005. Kaugnay nito ay siyang pagbabago ng karera ni Vanessa.
Lumaganap ang mga kuro-kuro ng mga tao matapos pabalik-balik ng uwi ang dating aktres sa bansa kung saan siya nagkaisip at kalaunan ay sumunod si John. Kahit na nagkaroon ng hindi magandang pananaw ang tao sa kanila na mayroong relasyon ay hindi pa rin siya nagbigay ng anumang sagot sa mga tao ngunit hindi rin nagtagal ay isinapubliko na lang ni John na hiwalay na sila.

Datapwa’t usap-usapan ang paghihiwalay nang dating asawa ni John na si Janice, ang iba ay nagpahayag ng kanilang point of view at ang iba naman ay punahin si Vanessa kung bakit naghiwalay ang dating maganda at masayang pamilya ng mag-asawa noong naturang aktres at aktor. Ngunit binigyan na ng tuldok ang buhay showbiz career sa pinas at lumipad na papuntang bansa. Saad niya, nais niyang i-pursue ang pag-aaral at matupad ang pangarap nito.
” At that time, it was right for me to leave and pursue something else that i was very passionate about-school. Something I was putting on hold for a long time,” Aniya ng dating aktres.
Sa kabilang banda na mayroong usap-usap na kaya raw lumisan ang aktres papuntang ibang bansa ay dahil nga raw siya ay nagdadalang tao at nagpakasal na ito kay John.

Sa kasalukuyang nakatira si Vanessa sa Canada bilang isang sales Manager sa Mayfair Club at minsan din siyang sumasabak sa commercial advertisements at modeling.
Sa ngayon ay ‘happily married’ na si John sa bagong asawa nito na si Priscilla Meirelles na isang Beauty Queen. At binigyan sila ng mga anak. Kahit na nagkaroon uli ng bagong asawa’t pamilya si John ay hindi pa rin nawala ang kanilang koneksiyon ng dalawa. Maaayos na rin ang samahan ng dalawa at sila na ngayon ay magkaibigan sapagkat alang-alang sa mga anak nila.

Comments
Loading…