in

Carlo Aquino, Nakita Ang “The One” Sa Kanyang Non-showbiz Beauty

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa batang 90’s ang makakaalala kay Carlo Jose Liwanag Aquino na isang mahusay na aktor simula pa ng kabataan nito. Minsan nang binansagang heartthrob ito noong 90’s at madalas ang guesting sa noon time shows.

Source: Carlo Aquino Ig

Umusbong ang kasikatan ni Carlo noong 90’s at ngayon ay patuloy pa rin ito sa kinalakihang karera sa showbiz. Marami na itong nakatambal na batikang artista sa showbiz industry at talaga namang maganda ang kanilang teamwork.

Nakabilang noon sa bandang ‘JCS’ si Carlo kasama sina John Pratts at Stefano Mori. Nakasama rin nito si Vilma Santos sa pelikulang ‘Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?’ Simula noon ay umusbong na ang karera nito at nabigayan ng sunod-sunod na projects sa industriya.

Source: Carlo Aquino IG

Kabilang sa mga sinubaybayan sa kanya ng mga fans nito ay ang lovelife nito na sadyang makulay. Naging usap-usapan noon ang panliligaw nito kay Camille Pratts at Maja Salvador. Tumagal naman ng 6 na taon ang relasyon ni Carlo sa co-child star nito na si Angelica Panganiban, na talaga namang nagpakilig sa maraming netizens. Subalit, kapag sadyang hindi tinadhana ay hindi talaga para sa isa’t isa dahil nauwi sa hilawayan ang dalawa.

Source: Trina Candaza IG

Dumating ang panahon ay nagkaroon muli ng proyekto ang dalawa kung saan makikita ang ganda ng kanilang chemistry. Umasa ang mga fans na muling magkakabalikan ang dalawa subalit hindi nangyari ito. Nang mga panahon na iyon kasi, may non-showbiz girlfriend na si Carlo. Ayon sa panayam kay Carlo sa ‘Tonight With Boy Abunda’ nang tanungin ito kung pinaasa nito si Angelica, ang tanging sambit nito ay, “Hindi ko, Siguro po. Siguro po.”

Source: Trina Candaza IG

Nakita naman ni Carlo ang kanyang ‘the one’ sa katauhan ni Trina Candaza na dating modelo. Isinapubliko na ng dalawa ang kanilang relasyon at madalas magpost ng sweet na sweet na pictures sa social media.

Source: Trina Candaza IG

Aminado si Carlo na ini-stalk daw nito si Trina nang una nya ito makita sa isang car show sa world trade center. Nagkakilala hanggang sa nagkatuluyan at nauwi sa pagiibigan. Sa ngayon ay may isang anak na ang dalawa at nagpaplano nang magpakasal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ba Si Vanessa Del Bianco Na Ex-Girlfriend Ni John Estrada , Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Andrea Brilliantes, Pinasilip Ang Kanyang Nakakarelax Na Vintage-Themed Bedroom