in

Yassi Pressman, Ibinahagi Ang Isang Magandang Aral Matapos Niyang Makasama Ang Mga Batang Lansangan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Yassi Pressman ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na aktres sa showbusiness hindi lang siya magaling na actress kundi iniidolo rin siya sa dance floor dahil sa husay niya sa pag-sasayaw. Mas tinangkilik ng mga manonood si Yassi ng siya ay naging bahagi ng longest-primetime TV serye ng ABS-CBN na ‘Ang Probinsyano’.

Source: Yassi Pressman IG

Bibihira na lang sa mga tao ngayon ang marunong magsukli ng kabutihan sa kanyang kapwa. Kadalasan may mga taong nakakaranas ng kaabusuhan sa kanilang kapwa ngunit mas nanaig pa rin ang mga taong may mabubuting puso sa mundo.

Tulad na lamang ng ibinahagi ng aktres na si Yassi, ito ang karanasan na kung saan siya ay nakagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa at dahil dito siya din ay sinuklian rin ng kabutihan. Ito rin ang isang hindi niya makakalimutang karanasan ng makasama niya ang mga batang lansangan sa lungsod ng Maynila. Bagay na natutunan ni Yassi ang makagawa ng kabutihan sa kapwa upang suklian ka rin ng kabutihang loob.

Sa naging Instagram post ng aktres, makikitang siya ay masayang nakikipag-bonding sa naturang mga batang lansangan na ito. Binilhan din ni Yassi ang mga bata itong ng softdrinks na maiinom at hindi naman niya inaasahan na aalukin siya ng mga ito ng kendi kapalit ng ipinambili niya ng inumin para sa mga ito.

Source: Yassi Pressman IG

Ayon kay Yassi,
“Araw-araw ang sarap magpasalamat, maliban sa napakasayang araw ng trabaho, may napaalala nanaman sa akin itong mga batang to. Binilhan ko sila ng softdrinks, kapalit daw nun eh gusto ko daw ba ng candy?”

Dahil dito napagtanto ni Yassi na ang kabutihan ay kabutihan maliit man ito malaking bagay basta ang mahalaga ay bukal sa kalooban ang magbigay sa iyong kapwa.

Aniya pa,
“Naisip ko na ang kabutihan ay kabutihan, it doesnt matter what you have or dont have, but your willingness to give will take you places. “ ❤️
“It’s the small things, and that happiness you get from what you & the people around you do.’

Source: Yassi Pressman IG

Nagpasalamat din ang aktres sa mga batang lansangan na ito na nagturo sa kanya ng kahalagahan na kung paano makuntento sa mga bagay na mayroon ka. Kahit sa simpleng paraan man ang pagbibigay ng tulong ang mahalaga ay napasaya at nakatulong sa iyong kapwa.

Ayon pa kay Yassi,
“Salamat sa munting paalala at sa mga ngiti mga bata! pati na rin po pala sa candy! Magkikita din tayo ulit!” 🤗🍬

Nagbahagi rin ang aktres ng isang maiksi ngunit madamdaming panalangin para sa mga batang lansangan. Ito ang patunay na hindi lang kagandahan ng mukha mayroon si Yassi kundi pati na rin ng kanyang kabutihang loob at dalisay na puso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Mga Successful Na Mga Anak Ng Komedyanteng Si Jose Manalo

Kilalanin Ang Pinay Nanny Na Pinalad Magkakotse, Negosyo at Resident Visa Sa Switzerland