in

Kilalanin Ang Mga Successful Na Mga Anak Ng Komedyanteng Si Jose Manalo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ika nga nila, mahirap ang maging isang magulang ngunit isang tagumpay na sa buhay bilang isang magulang ang makitang nakakamit ng ating mga anak ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kagaya na lamang ng komedyanteng si Jose Manalo na labis na nagagalak ngayon bilang isang ama sa kanyang mga anak dahil ang mga ito ay nagiging matagumpay sa pinili nilang karera sa buhay.

Super proud daddy ngayon si Jose dahil matagumpay ang kanyang mga anak sa mga pinili nitong propesyon.

Ating kilalanin ang matatagumpay na mga anak ni Jose:

Myki Manalo

Siya ang nag-iisang anak ni Jose na isang resident doctor sa surgery department ng Capitol Medical Center. Nagtapos siya ng Bachelor of Science Major sa Psychology mula sa De La Salle University noong 2012. Nakuha ni Myki ang kanyang medical degree noong 2016 sa Far Eastern University. Natapos naman niya ang kanyang post-graduate internship sa De Los Santos Medical Center at nakapasa siya sa Physician Licensure Examination noong 2017.

Source: Myki Manalo

Benj Manalo

Katulad ng kanyang amang si Jose, pinasok rin ni Benj ang pag-aartista. Una siyang nakilala sa musikal na ‘Rak of Aegis’ kasama si Aicelle Santos. Napapanood rin si Benj sa iba’t ibang palabas sa telebisyon kasama ang mga bigating artista. Noong 2017, unang sumabak si Benj sa mga pelikula kung saan pinagbidahan ito ni Carlo Aquino ito ang ‘Thowback Today.’

Source: Benj Manalo IG

Si Benj ngayon ay ikinasal na sa Kapuso actress na si Lovely Abella at tinatamasa nila ngayon ang kanilang successful na negosyo kung saan ito ang naging dahilan upang sila ay magkaroon ng sarili nilang bahay at mga ari-arian.

Nicco Manalo

Isang ring artista ang isa pang anak ni Jose na si Nicco, pinasok rin niya ang showbusiness at dahil sa kanyang husay sa pag-arte unti-unti siyang nakilala. Karamihan sa kanyang mga ginagampanan bilang aktor ay ang mga supporting roles kagaya na lang sa naging mga palabas ni Gerald Anderson. Nakilala rin siya sa mga musikal tulad ng ‘3 Stars at A Sun’ at ‘Mula Sa Buwan.’ May talento din si Nicco sa pagkanta sa katunayan siya ay kumakanta sa mga live gigs kapag siya ay may bakanteng oras. Napapanood rin siya ngayon sa mga indie film tulad ng ‘The Janitor’ at ‘Barber’s Tales.’

Source: Nicco Manalo IG

Ai Manalo

Isa si Ai sa mga anak ni Jose na nakapagtapos ng may magandang kurso sa kolehiyo. Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Communication Major sa Advertising at Public Relations mula sa Assumption College sa San Lorenzo, Makati. Natapos niya ang kanyang internship bilang isang Account Manager sa MullenLowe Philippines, isa sa nangungunang integrated network ng komunikasyon sa marketing sa bansa.

Source: GMA

Colyn Manalo

At siyempre hindi naman pahuhuli ang bunsong anak ni Jose na si Colyn. Siya ay isang matalinong bata dahil sa kanyang pagiging isang achiever. Nasungkit niya ang award bilang Top 9 sa kanilang klase at siya ay naparangalan noong kanilang virtual graduation. Siya ay isang Musical Intelligence Hall of Famer at natanggap niya ang Outstanding Achievement Award para sa Bodily / Kinesthetic Intelligence.

Source: Colyn Manalo IG

Palaging ipinagmamalaki ng magkakapatid ang mga nakakamit na tagumpay ng bawat isa sa kanila. Kaya naman talagang napaka-swerte ni Jose dahil naging matagumpay ang kanyang mga anak sa bawat mga kakayahan nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating PBB Big Winner Na Si Miho Nishida, Masayang Ibinahagi Na Isa Siyang Saleslady Ngayon

Yassi Pressman, Ibinahagi Ang Isang Magandang Aral Matapos Niyang Makasama Ang Mga Batang Lansangan