in

CuteCute LoveLove OMGOMG LOLLOL AngryAngry CryCry WTFWTF

Dating PBB Big Winner Na Si Miho Nishida, Masayang Ibinahagi Na Isa Siyang Saleslady Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming kabataan ang nangangarap makapasok sa sikat na real-life show na Pinoy Big Brother. Isa kasi ito sa mga pwedeng maging daan upang makapasok sa mundo ng showbiz. Tulad na lamang nila Kim Chiu, James Reid, Sam Milby at Gerald Anderson. Sa katunayan ay marami sa kanila ang naging artista subalit may ilan din na piniling lumayo sa spotlight.

Source: Miho Nishida IG

Isa na dito si Miho Nishida na kasalukuyang nagtatrabaho bilang saleslady. Itinanghal na Big Winner si Miho Nishida sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015. Masayahin, at talagang makikitaan ng talento si Miho nang nasa loob ng PBB house. Subalit mas pinili ni Miho na bumalik patungong Japan at doon na maghanap ng trabaho. Isa sa mga hinihinalang dahilan ng pagpapasya ni Miho na bumalik sa Japan ay ang anak at ina nito na nananatili pa rin doon.

Source: Miho Nishida IG

Gayunpaman ay maraming produkto ang ineendorse ni Miho at bukas pa rin ang mundo ng showbiz para rito. Hindi na rin mahihirapan si Miho na maghanap ng trabaho dahil half-Japanese naman ito at sanay na sa kultura ng bansa.

Source: Miho Nishida IG

Marami rin ang nahumaling sa charm ni Miho tulad na lamang ng kapwa housemate nitong si Tommy Esguerra. Nabangsagang loveteam ang dalawa at tinawag na “ToMiho” na naging parte ng kinagiliwan ng mga fans at manonood. Hindi malilimutan ang nakakakilig na sulyapan ng dalawa na siyang humakot ng maraming views sa mamamamayang Pilipino.

Source: Miho Nishida IG

Nagtatrabaho bilang saleslady ngayon si Miho sa bansang Japan. Sinagot naman ng manager nito ang katanungan ng ilang fans at netizens, kung babalik pa ba sa bansa si Miho, “Babalik din naman siya.

Source: Miho Nishida IG

May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbes na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan. Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanilang anak at nanay.”

Written by admin