in

Maantig Sa Kwento Ng Isang Lady Guard at Deans Lister Na Magbibigay Inspirasyon Sa Inyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang mahirap ang buhay, at upang makawala sa kahirapan at makamit ang mga pangarap ay kailangan natin kumayod at magsikap. Ito ang ginawa ng napakainspiring na estudyante sa Bulacan State University na si Arlyn Ramos.

Naitampok ang kwento ng 27 year-old na lady guard sa Bulsu Capture, isang facebook page ng Bulacan State University. Dito ay ibinida ang makapagdamdaming kwento ng pagsisikap ni Arlyn.

Pagka-caption sa post na may larawan ni Arlyn, “Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT major in Food Service Management, at isa ring dean’s lister.

Source: Arlyn Ramos

“2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula taong 2019.

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.

“Nagsumikap ako magtrabaho at pag-aralin ang sarili ko…”

Sa katunayan ay nagbibigay din ng pera si Arlyn sa ama nito mula sa pagtatrabaho bilang security guard sa nasabing eskwelahan. Ayon sa panayam rito ng GMA News, “Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, at para sa kanya, at sa pangungupahan ko ng bahay.”

Source: Arlyn Ramos

Naibahagi din ni Arlyn ang pangarap nito maging chef sa isang cruise ship. Kaya naman ay napili nitong kunin ang kursong Food Service Management. Sa kabila ng pagsisikap nito ay may pakiusap si Arlyn, “Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin.

“Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga.

“Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon.”

Mas malapit na nitong matupad ang kanyang pangarap ngayong natapos na nito ang kanyang kurso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

1000 Pesos Na Puhunan Ng Isang Mag-asawa, Nagdala Sa Kanila Sa Tagumpay

Kilalanin Si Claudia Barretto Na Anak Ni Dennis Padilla At Marjorie Barretto