in

1000 Pesos Na Puhunan Ng Isang Mag-asawa, Nagdala Sa Kanila Sa Tagumpay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tagumpay sa buhay ay may kwento. Bawat isang pangarap ay nagkakaroon ng katuparan basta’t pinagsisikapan. Katulad na lamang ng mag-asawang ito na ibinahagi ang kanilang naging tagumpay sa buhay.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Ana Rose Aquino sa kanyang facebook account. Ayon kay Ana Rose, nagsimula lamang sila sa kanilang ipinundar na negosyo sa Php1,000 lamang na puhunan. Kung saan ang kanilang mga ibinebenta ay mga unbranded detergent powder na tinawag nilang BMRP. Sa loob ng 7 taon ay pinagkasya nila lahat ang kanilang mga gastusin, inihihiwalay ni Ana ang sahod ng kanyang asawa na si Romil sa kanilang kita sa mga ibinebenta nilang mga sabon.

Source: Ana Rose Aquino

Hanggang ang kanilang sa Php 1,000 na puhunan ay naging Php 5,000 at Php 25,000 at hanggang sa lumago na ang kanilang negosyo. Dahil dito nagkaroon sila ng iba’t-ibang negosyo kagaya na lamang ng Bubble Wrap Philippines, Lakambini Inc. at Porchetta Philippines-Lechon Belly.

Source: Ana Rose Aquino

Kwento pa ni Ana, kung dati ay hanggang antipolo overlooking lang ang kaya nilang puntahan upang mag-date ngayon kinaya na nila ang makapag-boracay. Hanggang pagkatapos ng 2 taon ay nakapag-ipon sila upang makapunta sa Hongkong at Macau. At kung dati mga thrift rooms lang ang kaya ng kanilang budget sa Hongkong ngayon naranasan na nila ang mag Hotels sa Singapore at China. Dagdag pa ni Ana, masaya sila dahil nakapunta siya sa Disneyland na isa sa mga pangarap niyang puntahan noon pati na rin sa universal studios sa Singapore, Nami Island, Korea at Australia.

Source: Ana Rose Aquino

Kung nung una, dalawa lamang silang nagbubuhat ng 50kgs na sabon, nag-caravan pa sa init dala ang cabstar na pinahiram sa kanila ng kanilang Papa Romy at nagsimula silang maglako mula Cavite hanggang Baguio. Ngayon hindi na sila magtitiis sa init dahil nakapundar na rin sila ng kanilang bagong sasakyan. Inabot man ng anim taon bago nila nakamit ang pangarap nilang kasal masaya naman sila Ana dahil nakita nilang nagkaroon ng katuparan ang kanilang mga pinangarap at pinagsikapan.
Ika na niya, “Every small step is progress, it doesn’t matter how slowly you go, as long as you do not stop”.

Source: Ana Rose Aquino

Kaya naman labis na nagpapasalamat si Ana dahil biniyayaan siya ng mas masipag, mas madiskarte at higit sa lahat supportive na makakasama sa buhay. Kasi kahit anong hirap, kinakaya nilang magkasama. At ngayon, umabot na ng 7 taon ang kanilang pagsasama na kung saan hindi sila mapapagod at hindi susuko, mag-aaway man sila pero hindi maghihiwalay at sabay pa nilang aabutin ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya, at sa bubuuing pamilya.

Source: Ana Rose Aquino

Sabi nga nila, “You don’t have to be great to start, But you have to start to be great” at kapag napagod kana “remember why you started.” Kaya naman payo si Ana sa mga kagaya niyang breadwinner, maging matatag lang sa buhay at huwag mahihiyang magbenta dahil dito nagsisimula ang tagumpay sa isang negosyo.

Source: Ana Rose Aquino

Madami silang pinagdaanan bago nila nakamit ang kanilang tagumpay na tinatamasa ngayon. Sila rin ay dumaan sa mahirap na pag-uumpisa pero ang tanging mahalaga sa kanila ay nakapagsimula sila at anumang hirap ay kanilang kakayanin ng magkasama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

10 Taong Gulang Na Bata, Umani Ng Monetary Gifts Matapos Manlibre Ng Buko Juice

Maantig Sa Kwento Ng Isang Lady Guard at Deans Lister Na Magbibigay Inspirasyon Sa Inyo