in

10 Taong Gulang Na Bata, Umani Ng Monetary Gifts Matapos Manlibre Ng Buko Juice

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa mga mamamayan ang mababa lamang ang kinikitang pera. Kaya naman ay hindi natin sila masisisi kung sadyang mahigpit ang pagbubudget ng nga ito sa pang araw-araw na pangangailangan.

Kung minsan ay hindi pa natin mapagbigyan ang kamag-anak na nais mangutang. Kaya naman nang makuhanan sa video ang isang bata na nagpakita ng pagmamalasakit sa kapwa ay agad itong umani ng papuri sa social media. Hindi kasi araw-araw ay may makakasalamuha tayong tao na manlilibre ng buko juice dahil sa pagmamalasakit.

Isang kakaibang friendship ang nabuo kina Clark Lynden Canlas, 22, at John Angel Morales, 10. Nagkakilala ang dalawa sa Plaza Magalang sa Pampanga. Dito ay habang nagpapahinga si Clark matapos magbike ay nilapitan siya ni Angel at niyaya na uminom ng buko juice.

Source: Tiktok

“Nagbuko ka na?” Pagtatanong umano ni Angel. Sumagot naman si Clark ng, “Wala akong pera, e.”

Ayon sa post ni Clark sa Tiktok ay nilibre siya ni Angel ng buko juice. Makikita sa video ni Clark ang pag-order ni Angel ng buko juice, “Tig-isa kami.”

Nagpaliwanag naman si Clark sa video at inamin na may pera ito, subalit nilibre sya umano ni Angel. Nakita din sa video ang pag-abot ni Clark ng pera kay Angel bilang pasasalamat sa buko juice. Aniya ni Clark, “Kunin mo ang pera. Sa iyo na iyan.” Masayang tinanggap naman ito ng bata. Dagdag pa bi Clark, “Konti lang iyan, pero thank you, ha? Thank you sa buko.”

Source: Tiktok

Nasundan naman ito ng pagmi-milktea at si Angel pa mismo ang nagturo ng may magandang pwesto na tindahan. Sa video ay ikinuwento naman ni Angel na madalas umano itong umextra sa mga tindahan upang maglampaso upang kumita.

Ayon kay Clark, “ang kulit no’ng bata, e.

“Ambait. Ang pangalan daw niya ay Angel.”

Umani naman ang video ng 546k likes at may 16k comments. Marami namang netizens ang naantig sa kabutihan ni Angel at nagpaabot ng monetary gifts. Nagbigay pasasalamat naman si Clark sa mga nag-abot at ipinangakong ibibigay sa bata ang mga ito.

Source: Tiktok

Saad ni Clark, “Napakabait po ni Angel. Napakaganda ng values niya.

“Hindi natin alam yung totoong kuwento niya, pero sana ay malaman ko, malaman niyo rin sa mga susunod pa.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sheena Halili at Jeron Manzanero, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang Ika-apat Na Taong Pagsasama

1000 Pesos Na Puhunan Ng Isang Mag-asawa, Nagdala Sa Kanila Sa Tagumpay