in

Sheena Halili at Jeron Manzanero, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang Ika-apat Na Taong Pagsasama

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matatandaan na nagsimula ang acting career ni Sheena bilang isang Kapuso Star ng siya ay naging finalist ng talent show na ‘Starstruck’. Dahil nakitaan ang aktres ng potensyal sa pag-arte, ito na ang naging malaking oportunidad sa kanya upang maging isang mahusay na aktres kung saan napabilang siya sa maraming TV projects at mga pelikula.

Source: Sheena Halili

Hanggang sa kalagitnaan ng kanyang showbiz career ay nakilala niya ang kanyang naging asawa na si Jeron Manzanero na isang abogado at kasalukuyang Pasig City Administrator. Taong 2018 ng sila ay ma-engage at matapos ang dalawang taon sila ay ikinasal noong Pebrero 2020.

Source: Sheena Halili

At Disyembre lamang noong nakaraang taon ay isinilang ni Sheena ang kanilang anak na babae na si Baby Martina, na kinagigiliwan ng mga netizens ang mga cute nitong mga larawan.

Source: Sheena Halili

Ang bilis ng panahon na dumaan at ngayon ay panibagong taon na naman ng kanilang pagsasama ang kanilang ipinagdiriwang. Ang mag-asawang Sheena at Jeron ay masayang nagdiwang ng kanilang 4th year anniversary bilang magkarelasyon.

Source: Sheena Halili IG

Ang pagdiriwang na ito ay ang kanilang annibersaryo pa noon bilang magkasintahan at hindi bilang mag-asawa. Dahil ayon sa kanila, ito na ang nakasanayan nilang ipagdiwang. Kagaya ng ginagawa ng aktres, madalas siyang magbahagi ng kanilang mga larawan sa kanyang Instagram account kung saan sila ay nagce-celebrate ng kanilang anibersaryo.

Source: Sheena Halili IG

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Sheena ng kanilang larawan mag-asawa kung saan may nakasaad na, “4 years ♥”. Napaka-simple lamang ng kanilang pagsasama, sa mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay ay nanatili lamang itong pribado dahil gusto nilang mapanatili ang katahimikan ng kanilang buhay. Kaya naman, anumang journey ng kanilang pagsasama ay kanilang nalagpasan at mas lalo pang nagpatibay ng kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t-isa.

Source: Sheena Halili IG

Makikita sa larawang ibinahagi ng aktres, ang masaya at napaka-sweet na larawan nilang mag-asawa kung saan siya naka-piggy back ride siya sa kanyang asawang si Jeron. Mapapansin ang labis na kasiyahan at kagalakan sa kanilang mga mukha kung saan mababakas na masaya sila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Source: Sheena Halili IG

Mas higit na tumitibay ang kanilang relasyon ngayon dahil sa kanilang nag-iisang napaka-cute at napaka-gandang baby girl na si Martina. Habang lumalaki si Baby Martina tila lumalabas na ang natural na kagandahan nito na namana niya sa kanyang Mommy Sheena.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pamanang Lupa Ng Nanay Sa Kanyang 11 Na Anak, 16 Taong Hindi Nasilip At Nang Makita Nila Sa Personal Ay Talagang Namangha Sila

10 Taong Gulang Na Bata, Umani Ng Monetary Gifts Matapos Manlibre Ng Buko Juice