in

Aktor Na Si Joross Gamboa, Ibinahagi Ang Masayang Buhay May Pamilya Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakilala ang aktor na si Joross Gamboa sa talent search show na ‘Star Circle Quest’ ng ABS-CBN. Hanggang sa naging talent siya ng Star Magic, dito na nagsimula ang kanyang acting career. Marami siyang mga nagawang pelikula at mga palabas sa telebisyon, isang mahusay na aktor si Joross kaya naman tinangkilik din siya ng mga manonood.

Source: Joross Gamboa IG

Samantala, ngayon ay may sarili ng pamilya ang aktor at masaya niyang ibinahagi ang kanilang naging birthday quarantine nang magdiwang ng kaarawan ang kanyang asawang si Katz Saga Gamboa. Ibinahagi ng aktor ang pagdiriwang na ito sa kanyang Instagram account. Pinasilip din dito ng aktor ang naging kaganapan ng kanilang pagdiriwang.

Source: Joross Gamboa IG

Sa kanyang post, binati niya ang kanyang asawa ng isang simple greeting na may kasamang pagmamahal.

“Happy Birthday @katz_gamboa from @jacekylergamboa @johnkodygamboa and @joross_gamboa We Love You So Much!!! Mwah! Mwah! Mwah!”

Source: Joross Gamboa IG

Ipinakita rin dito ni Joross ang solo picture ng kanyang asawa na si Katz kung saan kitang-kita ang taglay na kagandahan nito habang nakasuot ito ng “Happy birthday headband”.

Source: Joross Gamboa IG

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Joross ang masayang pagdiriwang nila ng kaarawan ng kanyang asawa. Kasama ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak na si Jace Kyler at John Kody. Sa kanilang simpleng pagdiriwang nairaos nilang mag pamilya ang kaarawan ng kanyang asawa. Kung saan makikita din ito ang maganda at simple nilang birthday decoration na talagang nag-effort sila Joross upang ma-sorpresa ang kanyang asawa.

Source: Joross Gamboa IG

Taong 2014 nang ikinasal si Joross at Katz pagkatapos ng kanilang long-time relationship. Sa 7-taon nilang pagsasama nabiyayaan sila ng dalawang napaka-cute at napaka-gwapong mga anak na lalaki kung saan ang kanilang panganay ay 5-taong gulang at ang kanila namang bunsong anak ay 3-taong gulang pa lamang.

Source: Joross Gamboa IG

Kahit na bibihira na lamang mga TV projects ngayon ni Joross hindi na iyon alintana sa kanya dahil ang mahalaga sa kanya ay masaya niyang kasama ang kanyang pamilya ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman sinisigurado ng aktor na nagagampanan niya ang kanyang responsibilidad bilang isang aktor at bilang isang ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Kapuso Reporter na si Rhea Santos, Newscaster Na Ngayon Sa Canada

Pamanang Lupa Ng Nanay Sa Kanyang 11 Na Anak, 16 Taong Hindi Nasilip At Nang Makita Nila Sa Personal Ay Talagang Namangha Sila