in

CuteCute

Dating Kapuso Reporter na si Rhea Santos, Newscaster Na Ngayon Sa Canada

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakilala ng mga manonood ang reporter at dating TV-host ng Kapuso show na ‘Unang Hirit’ na si Rhea Santos dahil sa husay nito pagdating sa mass media. Noon lang August 2019 ng lisanin ni Rhea ang Pilipinas at lumipad patungong Canada.

Matapos ang 19 na taon niyang pagtatrabaho sa GMA Network nagpasya si Rhea na magsimula ng isang bagong kabanata ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya sa Canada. Ang kanyang pag-alis ay hindi naging madali para sa kanya dahil napamahal na sa kanya ang entertainment industry.

Source: Rhea Santos IG

Bagaman malayo siya sa Pilipinas, patuloy naman na ina-update ng dating TV-host ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang sneak peek ng kanyang buhay sa Canada. Mula sa kanyang paggo-grocery, pag-ehersisyo at pag-hiking trip, ito ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kanyang mga vlog.

Dito kanyang ipinasilip ang kanyang mga masasayang gawain sa isang taon niyang pamamalagi sa Canada. Una sa listahan ng dating TV-host ang pagbili niya ng mga gamit para sa kanilang bagong tahanan sa Canada. Hindi rin pinalampas ni Rhea ang mapuntahan ang ‘A-maze-ing Laughter’ Bronze sculpture ni Yue Minjun, na matatagpuan sa Morton Park, Vancouver.

Source: Rhea Santos IG

Nag-eenjoy din siya sa kanyang pagbibisikleta sa Stanley Park, kung saan marami dito ang mga nagjo-jogging, mga siklista, at mangingisda.Ibinahagi ni Rhea na maraming mga masasarap na pagpipiliang mga pagkain sa kanilang lugar. Ngunit ang kanyang mga anak ay hinahanap pa rin ang lutong sinigang ng Pilipinas. Ipinasilip rin niya ang magandang lugar sa Garry Point Park at binisita rin niya ang Vancouver Art Gallery. Masaya rin niyang ibinahagi ang pagdalo niya sa CTV News sa Pacific National Exhibition Fair.

Source: Rhea Santos IG

Nag-aaral ngayon si Rhea sa British Columbia Institute of Technology saad niya, “Working on something and I’ll love you to see it …,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account. Nasiyahan si Rhea sa pakikipagsapalaran niya sa crabbing kasama ang kanyang mga anak sa Jericho Beach.

Labis na nagpapasalamat si Rhea Santos na ginugol niya ang kanyang ika-41 kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay noong lamang June 2. Sa kanyang Instagram account ibinahagi niya ang kanyang naging kaarawan.

Source: Rhea Santos IG

Saad niya, “Thankful that I’m wrapped around the arms of my boys, showered with love by loved ones & friends, and embraced warmly by people I don’t know personally but have treated me as family. Today may be marked by a lot of uncertainties, but it is also a day to be hopeful and to continuously pray for healing so that the world will be safer & kinder to our children.”

Source: Rhea Santos IG

Noong August 15, ibinahagi ni Rhea sa kanyang isang vlog na sinimulan niya ang kanyang unang araw sa trabaho sa isang kumpanya sa Canada, eksaktong pagkatapos ng isang taon mula nang makarating sila sa Canada. Sinabi niya, “I’m just so excited and happy to share with you guys that I got a job offer and officially am employed. It is an answered prayer.”

Kahit na nagsimula na siya ng isang bagong buhay sa Canada, naipagpatuloy niya pa rin ang kanyang hilig sa pag-broadcast habang ibinabahagi niya sa isang post sa Instagram na siya ay bahagi na ng ‘Omni News: Filipino Edition’, isang bagong inilunsad na pang-araw-araw na newscast sa Filipino sa ilalim ng TV system at specialty channel, Omni Television.

Source: Rhea Santos IG

Habang nagtatrabaho, nagpatuloy si Rhea sa kanyang pag-aaral sa British Columbia Institute of Technology International. Matapos ang dalawang taon, natapos niya ang kanyang programa sa Broadcast & Online Journalism diploma.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Korean Na Kahawig Na Kahawig ni Jessica Soho, Trending Sa Social Media

Aktor Na Si Joross Gamboa, Ibinahagi Ang Masayang Buhay May Pamilya Ngayon