in ,

Korean Na Kahawig Na Kahawig ni Jessica Soho, Trending Sa Social Media

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa ating local newscaster ay unti-unting nakikilala sa mundo dahil sa taglay nilang galing at dedikasyon sa paghahatid ng balita sa taong-bayan. Isa sa mga batikang newscaster sa ating panahon ay si Jessica Soho. Sa katunayan ay marami na itong natanggap na international awards na talaga namang nakakahanga.

Source: GMA

Mula sa documentaries at programa, ay pamilyar sa lahat ang pangalang Jessica Soho. Isa siya sa mga respetado at magaling na newscaster sa industriya ng pamamahayag. Ang mga dekalibreng programa nito ay nakatatak na sa ating isipan at talaga namang tinatangkilik ng mamamayang Pilipino.

Kaya naman nang makilala sa social media ang ka look-alike ni Jessica Soho ay agad itong nagtrending. Bagamat di na bago ang pagkakaroon ng mga ka look-alike ng mga kilalang personalidad ay nakakatuwa pa rin kilalanin ang mga ito.

Sa katunayan, ay taga ibang bansa ang ka look-alike ni Jessica Soho. Siya ay ang vocal coach na si Jo A Young mula sa South Korea. Kung ating kikilatisin ay hawig na hawig sila ng batikang newscaster.

Nakakahanga nga na hindi lamang sila pareho ng mukha kundi pareho ding nasa telebisyon ang kanilang piniling karera. Sa isang K-Pop fan page ay ipinakita ang larawan ni Jessica Soho at Jo A Young nang magkatabi at nilagyan ito ng caption na, “Kapuso mo-seyo, Jessica Soho-imnida Lumipad ang aming team-imnida pa South Korea.”

Source: GMA

Kung titignan ay para lamang magkapatid ang dalawa at tunay na nakaka-aliw ang pagkakahawig. Di rin maitatanggi na sadyang may mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo na kahawig natin at hindi sa lahat ng panahon ay makikilala natin sila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Masayang Buhay Ng Aktres, Host at Model Na Si Pia Guanio-Mago

Dating Kapuso Reporter na si Rhea Santos, Newscaster Na Ngayon Sa Canada