in

Tingnan Ang Masayang Buhay Ng Aktres, Host at Model Na Si Pia Guanio-Mago

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tayong mga Pilipino likas na sa atin na manood ng noontime show ng GMA network na Eat Bulaga. Kahit mula ng bata pa ay sila mapa sa hanggang ngayon ay ang longest running variety show dito sa Pilipinas, karamihan ring mga Pilipino ay kinagisnang pinapanood ito.

Source: Pia Guanio IG

Tiyak na ang mga madla at ang mga lolo’t lola ay laganap ang kanilang kaalaman sa pinapanood nilang Eat Bulaga. At hindi lang ito, dahil sa napakagaling nilang dating host at mga host ngayon kung kaya’t marami ang sumu-suporta at maraming viewers ang nanonood rin rito. Kabilang rin dito ang isa sa mga co-host nina Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey De Leon na noon mapa sa hanggang ngayon na kasama sa show ay si Liana Pia Guanio o kilala sa tawag na Pia Guanio.

Source: Pia Guanio IG

Noong 2003 at sa hanggang kasalukuyan ay naging kabilang si Pia at naging regular co-host sa Eat Bulaga. Maraming madlang people ang nakakakilala sa aktres at gayundin sa television presenter sa GMA network . Sa entertainment program ng Showbiz Central na isang television talk show sa posisyong head anchor kabilang sina Raymond Gutierrez at John Lapus noong 2012 at dating showbiz segment anchor ng primetime newcast na 24 oras.

Source: Pia Guanio IG

Sa kalagitnaan ng pag-aarangkada ng career ni Pia sa showbiz industry kasabay din nito ay ang pagtatagpo ng kaniyang katuwang niya sa buhay na isang businessman na si Steve Mago. Kaakibat rin ng paghihiwalay nila ni Vic Sotto ay nagkaroon din siya ng bagong kasama at makakasama sa buhay noong 2011 sila nagpakasal at ang napakagandang biyayang ibinigay sa kanilang mag-asawa ay ang kanilang dalawang supling na ipinanganak noong 2012 si Scarlet Janine at noong 2017 ipinanganak si Soliel Brooklyn.

Source: Pia Guanio IG

Sa pagkakataong nailuwal na ni Pia ang kaniyang bunsong anak ay may panibagong opportunidad na pumasok sa aktres sapagkat siya’y nagkaroon ng hiatus mula sa pagho-host sa Eat Bulaga at pagiging TV presenter sa 24 oras datapwa’t hindi na siya nag-laan ng oras sa mundo ng showbiz dahi nagpasiya na si Pia na huminto na at magpokus sa kaniyang pamilya.

Source: Pia Guanio IG

Kasalukuyang masaya si Pia sa lumalaki pa niyang pamilya at kontento na ang aktres sa buhay niya ngayon. Kung kaya’t labis na itong napupunan ang lahat ng oras at gampanin niya sa kaniyang pamilya at sa dalawa niyang baby girls. Ito’y lubhang nakakagaan sa pakiramdam ni Pia dahil hands on na ito sa kaniyang asawa at mga anak upang magkaroon pa sila ng maraming aktibidad na gagawin sa dalawa niyang prinsesa.

Sa panahong ito nagkaroon si Pia at maging ang kaniyang pamilya ng bagong paraan upang mag-bonding, isa rin itong paraan upang kahit paano sa panahon ngayon ay hindi sila mabored. Sa instagram account ni Pia ipinasilip ang kanilang mga larawan at videos kabilang ang kaniyang pamilya sa bagong family bonding nila na nagro-roller blade sa isang covered court.

Source: Pia Guanio IG

” New family bonding activity unlocked! ” ayon sa kaniyang caption. Sina Pia at Steve ay tila bumalik sa pagkabata dahil labis ang tuwa at saya hindi lamang ang kanilang mga anak bagkus sila rin ay nag-eenjoy at habang ang mga ito ay nagro-roller blade kasabay pagpapakitang gilas ang mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Netizens, Naaliw Sa Throwback Photo Ng Komedyanteng Si Pooh

Korean Na Kahawig Na Kahawig ni Jessica Soho, Trending Sa Social Media