in

Netizens, Naaliw Sa Throwback Photo Ng Komedyanteng Si Pooh

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinananabikan ng mga tao ang performances ng mga komedyante ngayong panahon ng pandemya. Ang ilan ay nakasubaybay na sa mga social media ng mga ito dahil pati iyon ay nakakaaliw at nakakawala ng stress. Isa sa mga komedyante na umagaw ng atensyon sa social media ay si Bien Co o mas kilala sa stage name nito na ‘Pooh’.

Source: Pooh IG

Commedian, actor, impersonator, singer and host si Pooh. Ito ay ilan lamang sa mga achievements nito. Active ito sa social media at madalas magbahagi ng mga adventures nito. Subalit nito lamang nakaraang araw ay nagbahagi si Pooh ng kanyang picture noong bata pa lamang ito.

Source: Pooh IG

Tunay na mahalaga ang mga litrato dahil nagagawa nitong kunin ang bawat sandali na importante sa ating buhay. Madali rin nating mababalikan ang mga sandaling ito at maaring magbalik ng mga masasayang ala-ala. Kay Pooh, naging daan ang childhood photo nito upang ipakita sa madla ang kanyang picture noong kabataan niya nang mga panahon na hindi pa mataas ang hairline nito.

Napuno naman ng nga nakakaaliw na komento ang post ni Pooh lalo na nang nilagyan ito ni Pooh ng caption na: “Sino nagsabi na pan0t ako??? #early90s pasok bashers!! Hahahaha”.

Source: Pooh IG

Naging daan naman ito upang maging open ang mga netizens sa pagbibigay ng goodvibes sa post nito. Hindi rin nagpahuli ang mga kaibigan ni Pooh sa industriya ng showbiz. Ang larawan kasi ay kuha noong nga panahon na binata pa si Pooh. Makikita na makapal at ma labong pa ang buhok ng komedyante nang mga panahon na iyon.

Source: Pooh IG

Nagkomento ang kaibigan nitong si Kaye Abad Castillo ng, “Ang kapal ng buhok mo mars!!!!!!!” Dinugtungan pa ni Kaye ito ng, “Saan napunta?”

Pinaunlakan naman ni Pooh ito ng reply na, “Nasa mga kamay na nila!” Isa sa mga kaibigan nito na celebrity ay si Nikki Valdez na natatawang nagkomento sa post nito ng, “Marsssss!!!!”

Isa sa mga komedyanteng pumatok ngayong taon si Pooh at mas kilala dahil sa iconic nitong hairline at hairstyle.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bunsong Anak Ni Bangs Garcia-Birchmore, Super Cute Sa Mga Litrato Para Sa 1st Birthday Nito

Tingnan Ang Masayang Buhay Ng Aktres, Host at Model Na Si Pia Guanio-Mago