in

Rufa Mae Quinto, Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Modern At Magandang Ipinapagawang Bahay Sa Pinas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang tagumpay na para sa isang tao ang makapagpundar ng sarili niyang bahay at lupa. Mapa-ordinaryong tao man o mapa-celebrity masarap sa pakiramdam kapag nakakamit natin ang ating mga pangarap sa buhay.

Source: Rufa Mae IG

Lalo na ang kapag nakakapag-pundar tayo ng mga bagay na maituturing nating atin kagaya na lang ng bahay, lupa at sasakyan. Kaya naman madalas natin itong ibahagi sa social media.

Source: Rufa Mae IG

Isa na nga rito ang actress-commedienne na si Rufa Mae Quinto. Si Rufa Mae ay unang napanood at nakilala sa programang ‘That’s Entertainment’ noong 1996. Gumawa ng kasikatan si Rufa nang siya ay maipalabas sa naturang programa kaya naman dumami ang mga naging alok sa kanya na maging bida siya sa mga pelikula kagaya na lamang ng ‘Gloria Labandera’ noong 1997 at iba pa niyang mga naging pelikula. Kinagigiliwan ng mga manonood ang aktres dahil sa husay nito magpatawa sa kanyang mga TV show.

Source: Rufa Mae IG

Samantala, noon lamang taong 2016 ay nagpakasal ang aktres sa isang financial analyst na si Trevor Magallanes at biniyayaan sila ng isang napakagandang anak na babae. Kasalukuyan ang aktres ay nasa Amerika kasama ang kanyang anak at asawa.

Source: Rufa Mae IG

Kahit nasa ibang bansa ngayon si Rufa, siya ay may ipinapagawang bahay sa Pilipinas noong umalis siya at kakatapos lamang nito. Subalit hindi pa nila magawang matirahan ang bahay na ito, dahil hindi pa sila makauwi sa Pilipinas dahil sa sitwasyon na dulot ng pandemya.

Source: Rufa Mae IG
Source: Rufa Mae IG
Source: Rufa Mae IG

Kung kaya naman ang tanging ginawa na lamang ng aktres ay magbahagi ng iilang mga larawan sa kanyang social media account. Umani ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens. Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng aktres ang simple at sobrang gandang pagkakagawa ng kanilang bahay.

Source: Rufa Mae IG

Labis na nagpapasalamat si Rufa sa lahat ng tagumpay at biyayang kanyang natatanggap kahit na panahon ng pandemya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 4P’s Scholar, Isa Ng Engineer Ngayon

Celebrity Couple Na Sina Lovely Abella at Benj Manalo, Nakapundar Ng Sarili Nilang Bahay At Sasakyan Dahil Sa Kanilang Pagiging Online Seller