in

Celebrity Couple Na Sina Lovely Abella at Benj Manalo, Nakapundar Ng Sarili Nilang Bahay At Sasakyan Dahil Sa Kanilang Pagiging Online Seller

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo ay ibinahagi sa kani-kanilang social media account ang mga blessings na natatanggap ng kanilang pamilya ngayong taon. Pinatunayan nila na “kapag may tiyaga ay may nilaga”, dahil sa pamamagitan lamang ng kanilang kasipagan sa online selling ay nabili nila ang kanilang dream house.

Source: Lovely Abella IG

Sa kabila ng krisis na nararanasan ng buong mundo ngayon ang naging daan upang ang kanilang ‘BenLy’s Online Store’ ay makatulong upang makamit ng mag-asawa ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya.

Source: Lovely Abella IG

Ito rin ay dahil sa kanilang kasipagan at pagtitiyaga na mapalawak pa ang kanilang serbisyo upang maihatid sa mga netizens na mas mapadali ang pagbili nila ng mga produkto sa pamamagitan ng online selling.

Source: Lovely Abella IG

Dahil na rin sa diskarte at pagtutulungan nila bilang mag-asawa ay nagawa nina Lovely na mapalago ang kanilang negosyo at nakatulong pa sa kanilang mga resellers na gusto ring kumita. Ilan nga sa kanilang mga ibinebenta ay ang mga branded na damit, bags, make-up at mga sapatos. Kahit nga may kamahalan ang presyo nito ay inuulan pa rin sila ng mga orders mula sa mga netizens.

Source: Lovely Abella IG

Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang dalawa sa kanilang mga “zuki” na walang sawang sumusuporta sa kanilang online shop at patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga ibinebentang produkto.

Source: Lovely Abella IG

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Benj sa mga negatibong komento na natatanggap nila mula sa ilang netizens na nagsasabing kaya marami silang mamimili dahil marami silang taga-suporta at bagkus pareho silang artista. Ayon sa aktor, hindi biro ang pagiging isang online seller at lahat ng tinatamasa nila ngayon ay dahil sa pagtitiyaga nilang mag-asawa at hindi lang dahil sa impluwensiya na meron sila.

Source: Lovely Abella IG

Maraming pagkakataon nga na halos kulang sila sa tulog para lang maasikaso lahat ng mga orders at madalas ay inaabot pa ng mahigit apat na oras sa pagsasalita sa harapan ng camera para sa kanilang live selling. Kaya naman para sa kanilang mag-asawa, gusto lang nilang magbigay inspirasyon sa lahat ng taong nagsusumikap na paluguin ang kanilang mga negosyo kahit na nasa gitna ng p@ndemya.

Source: Lovely Abella IG

Kung kaya’t kanilang ibinahagi ang kwentong tagumpay ng kanilang buhay sa social media para magsilbing inspirasyon sa kapwa nila online sellers, na kahit mahirap at madalas ay sinusubok ang kanilang pasensiya ay huwag lang basta sumuko. Sa halip ay magpatuloy lang sa kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Rufa Mae Quinto, Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Modern At Magandang Ipinapagawang Bahay Sa Pinas

Bunsong Anak Ni Bangs Garcia-Birchmore, Super Cute Sa Mga Litrato Para Sa 1st Birthday Nito