in

Isang 4P’s Scholar, Isa Ng Engineer Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang scholar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ang nagpakita ng galing at pagpupursige upang makamit ang mga pangarap.

Ikinuwento naman ni Marvin ang kanyang pagsisikap sa Pep. Ayon dito, “Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4Ps na programa ng gobyerno.

Source: Marvin Arnoza

“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.

“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”

Sa katunayan ay pang-lima si Marvin sa apat na magkakapatid at ito ang unang nakatungtong sa kolehiyo sa tulong ng 4P’s. Kumuha siya ng Bachelor of Science in Civil Engineer noong 2015 sa Bicol University. “Hindi ko po pinalampas ang oportunidad kahit medyo may kalayuan ang unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon,” saad ni Marvin.

Source: Marvin Arnoza

“Hindi po naging madali ang buhay estudyante ko bilang isang iskolar.

“First year college pa lang po ako nang sumakabilang buhay ang aming tatay.

“Pero inisip ko po na mas mahirap bumalik sa pamumuhay na mayroon kami.”

Source: Marvin Arnoza

Mas pinagsisikapan naman ni Marvin na makapagtrabaho tuwing summer vacation upang may pangdagdag gastos sa susunod na pasukan.

“Noong summer vacation bago ako tumuntong ng ikalimang taon ko sa kolehiyo, nagtrabaho po ako as construction worker.

Source: Marvin Arnoza

“Naging laborer din po ako dahil tuwing bakasyon ay wala naman po kaming allowance. Kaya kailangang kumayod para may pangdagdag na pangkain ang pamilya.

“Sa loob po ng limang taon, di ko na mabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap…”

Sa bawat pagsubok na dumating ay natutukso itong sumuko subalit mas pinili nito na magpatuloy sa pag abot ng pangarap. “Pero nanguna po sa mga naging inspirasyon ko yung pamilya ko…

“Na sana darating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno…

“Na sana dadating yung araw na hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po…

Source: Marvin Arnoza

“Masakit na kahit ano’ng kayod mo, kulang at kulang pa rin. ‘Tapos, ang tingin sa iyo ay tamad dahil walang nararating sa buhay.”

“Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.

“Salamat po…”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

High School Sweethearts Na Minsang Naghiwalay Ngunit Mas Piniling Tuparin Ang Pangako Sa Isa’t-Isa Na Kapwa Maging Doctor

Rufa Mae Quinto, Masayang Ipinasilip Ang Kanilang Modern At Magandang Ipinapagawang Bahay Sa Pinas