in

LoveLove

High School Sweethearts Na Minsang Naghiwalay Ngunit Mas Piniling Tuparin Ang Pangako Sa Isa’t-Isa Na Kapwa Maging Doctor

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming mga relasyon ngayon ang sinusubok ng panahon, ngunit kung ang pusong tunay na nagmamahalan ay walang anumang pagsubok ang sisira nito. Madalas sa isang relasyon na binuo ay ang unti-unti ring nabubuong mga pangarap sa buhay na magkasamang tinutupad ng bawat magkasintahan.

Isa na nga rito ang pinatunayan ng mag-asawang ito na sa loob ng 15-taon nilang pagsasama ay nakamit nila ng magkasama ang kanilang mga binuong mga pangarap.

Source: Facebook

Sila ang mag-asawang na sina Jobel Fernandez at Gerard Santos, highschool pa lamang noon sila ng mabuo ang kanilang pag-iibigan. Sa kanilang kabataan, sabay silang nangarap at dahan-dahan nila itong natupad.

Ayon kay Jobel at Gerard, sinasariwa nila ang mga panahon na pinapangako palang nila noon sa isa’t-isa na sabay sila maging matagumpay sa kanilang magiging career at iyon ay ang maging isang doktor.

Source: Facebook

Pinangako rin nilang maikasal sa Christian wedding sa tamang panahon at makapagpatayo ng sariling bahay. Hindi man naging madali ang kanilang mga pinagdaanan ay masaya naman nila itong pinaglabanan dahil hindi sila sumuko sa anumang pagsubok ng buhay.

Source: Facebook

Kahit dumating sa puntong may nakilala silang iba, ipinaglaban pa rin nila ang isa’t-isa. Nararanasan man nila ang mag-away natutunan pa rin nila ang magpatawad at kailanman ay hindi nawawala ang pagmamahalan. Kaya naman alam nila sila na ang nakalaan para sa isa’t-isa.

Kaya naman payo nila Jobel at Gerard sa mga magkasintahan na hindi sinusukuan ang isa’t-isa, matutong mag-invest ng oras sa iyong minamahal at siyempre mag-invest din ng oras para sa iyong sarili upang mas maging mabuti partner. Dahil mas magiging maganda ang pagsasama ng dalawang magkasintahan kung laging ‘give and take’ ang ginagawa ng bawat isa.

Source: Facebook

Ibinahagi nila Jobel at Gerard ang kanilang lovestory upang mainspired ang mga magkasintahan na sabay na tinutupad ang kanilang mga binuong mga pangarap sa buhay. Dahil ang tanging mahalaga sa pagbuo ng bawat ng pangarap ay may kasamang tiwala, determinasyon at pagmamahal lalo na sa taong tunay mong minamahal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

§exy Actress na si Juliana Palermo, Kasal Na Sa Kanyang American Boyfriend

Isang 4P’s Scholar, Isa Ng Engineer Ngayon